Kabanata 3

182 9 2
                                    


Three days from  now, I will be of legal age. I can be imprisoned for my wrong doings, I can decide on my own, if only I am no longer living with both my parents, which I know for a fact na hindi mangyayari sooner or later, but I am still open for possibilities and 'such opportunities'. Hindi naman sobrang grand ng magiging celebration, given the fact na kakalipat pa lamang namin around this neighborhood, and also, we're miles away from home. 

I kept on saying na kumain nalang kmai sa labas, o kaya naman ay magluluto nalang ako sa bahay. But Nanay being stubborn as ever, ayaw pumayag at sinabing kakain kami sa may Calayo, Batangas, mayroon daw kasing restaurant doon sa may paanan ng bundok. She knew, always, on how to pamper me on my day. They always knew how I thirst for the mountain views and seaside. Though it's a long ride from here, sabi ni Tatay ay umarkila naman daw siya ng kotseng magagamit.

I am busy tidying up my things for school, umupo naman ako sa edge ng kama para pagmasdan ng masinsinan 'yung bracelet na binigay nila. It's a plain white matte pebble, ngunit ang mas nagpaganda rito ay 'yung silver linings sa bawat beads. I was half way through examining my bracelet ng biglang nag alarm 'yung  cellphone ko sa gilid, medyo napamura ako dahil sa gulat kaya naman napangiti nalanamang ako sa sarili ko.

Wala sina Nanay sa bahay ngayon dahil maagang umalis kaya naman nagbaon na muna ako ng makakain ko tsaka tumungo sa pintuan. I was shocked when I opened our door and an Alphard is on our driveway, what is more shocking was it has the logo of the university I am currently at. The logo in which it includes a wolf who's looking like it's howling over the moon above it. 

The front seat opened and I immediately recognized the lady that went out the vehicle, it's the woman inside the Dean's office! She's all papped up, from her hair up to her toes. Gone the smooth and vibrant aura she holds, ngayon ay parang seryosong-seryoso naman ito.

"Lopez Residence?" She asked.

I nodded bago tuluyang inilock ang pinto at inilagay sa backpack ko ang susi. "Is something wrong, Ma'am?"

She just smiled at me, then my bracelet before she continues talking, "There seemed to be a surprise ceremony at the University ground, at dahil doon din naman ang punta namin ay dinaan na namin ang mga estudyante na nakatira sa malapit," At tinignan ang bahay namin ng isang pasada bago pumunta sa pinto ng sasakyan at binuksan ito, "Now, if you'll just hop in."

Nanigurado naman muna ako at tinignan ang laman ng sasakyan, puro nga mga naka school uniform ang mga ito kaya naman pumasok na ako at umupo sa loob. It's kind of creepy for me dahil mga hindi nagkikibuan ang tao sa loob. Tapos ang katabi ko namang babae ay panay ang yugyog ng paa niya. Ngunit, tiniis ko nalang ito dahil malapit nalamang naman an Uni. 

Iniikot kami ng sasakyan sa likod ng University and they even ordered us to go directly to the open grounds as soon as possible. Gaya nga ng sabi ng babae, nandon na nga halos lahat ng estudyante ng University ay naroroon na sa field, ang iba naman ay naroroon sa gilid at kaniya-kaniyang grupo. I was in a daze habang naglalakad kaya naman hindi ko napansin na 'yung babaeng katabi ko kanina sa llob ng sasakyan ay nasa gilid ko lamang pala. 

"You know, I find this school strange." Unang salita na lumabas sa bibig niya.

She's got this hispanic feature on her, and her golden skin really suits her. Even her curls are shaped to perfection, "For starters, why would the school label the students by wearing this joke of a bracelet? And oh, we are not even allowed to be at school when five o'clock in the afternoon strikes, what are we though? Is this some kind of Cinderella syndrome?"

I chuckled at her remarks, "Huwag mong kalimutan na grabe 'yung mga atittude nila, as if those rapid mood swings and violent behavior isn't as strange."

"I'm Althea, what about you?" I asked her while she's busy eyeing the ground.

"Red," She then offered her hand, that is why I quickly shook her hands with mine. "How come I didn't see you on the first day?" 

We did some talking before we settled ourselves on the nearest bench, ilang minuto pa ang lumipas ay nag ingay na ang mga tao nang may apat na FJ Cruiser and pumasok sa field at kaniya-kaniyang bummaba ang mga sakay nito. They are holding some canisters with them, ngunit nakatakip ang tela kaya hindi makita kung ano ang nasa loob. Most of them are just with khaki shorts and plain shirts, while girls are just all prepped up, ranging their clothes from fancy to elegant. 

In the middle of their entrance, bigla kong namukhaan ang isang lalaki, siya 'yung humawak ng binti ko habang nasa clinic! His aura now seemed dominant, nang tumingin ako sa paligid ay lahat sila'y nakaismid habang pinagmamasadan ang paglapit ng mga ito. 

Si Red naman sa gilid ko ay hindi natutuwa sa ingay ng tao, kaya naman matalim ang titig nito sa ilang nasa paligid namin. "Napaka iingay, akala mo mga ginugutom sa tao."

Hinawakan ko nalamang ang braso nito at laking gulat ko ng pagtingin sa paligid namin ay halos ang mga nakapaligid saamin na estudyante ay nakatingin saamin ng masama, they are shooting us death glares and such. Tatayo na sana kami ng biglang may babaeng mabilis na nakapuunta sa gilid ni Red. 

"What the fuck is your problem? Kanina ka pa salita ng salita." She exclaimed.

Agad naman akong kinabahan, baka mapa away nanaman ako! 

I apologetically smiled at her, "Uh, sorry sa-" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang biglang ibinagsak ni Red ang bag niya sa lapag at hinarap ang babae.

Now, we're creating a scene! Ang ibang nakamasid saamin ay kung hindi mga naka ismid ay galit na galit tumingin sa banda namin. I can even hear someone growling like a dog, paang nung narinig ko sa cafeteria. I whipped my head on the right direction where I seemed to heard it, but to my dismay, ang grupo lamang ng kalalakihan ang naroroon at imposibleng magkaroon ng aso.

"See! I told you, mga weirdo sila." Tinignan naman ito ni Red mula ulo hanggang paa bago nagsalita ulit, "How could you possibly hear  our conversation na kanina lamang pag tingin ko sa'yo ay nasa pinaka dulo ka ng field?" Ani Red sabay turo sa parte ng field na kung saan daw niya nakita ang babae.

Tila naman naapektuhan ang babae sa sinabi ni Red, nagpupuyos sa galit ang mukha nito. Pagtingin ko naman sa mga mata nito ay tila nagiiba ng kulay, ang kaninang itim na itim na mata ay parang nagiging brown. I don't know kung imahinasyon ko lamang o dahil na 'rin sa tumatama na sinag ng araw. 

"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong baliin ko ang lahat ng buto mo sa katawan." The girl in front of us said with her teeth clenched. Her fists were in a ball, and her stance is ready to attack. 

Ngunit imbes yata na matakot itong si Red ay tila baliw pa na tumawa sa gilid ko at pinagkrus ang braso sa dibdib. I mentally face-palmed myself, may mas titigas pa pala ng ulo kesa saakin. 

"Oh? Ano sabi mo? Masahe?" Pang-iinis pa ni Red dito na lalong nagpalukot sa mukha ng babae. 

Ngunit bago pa makasugod ang babae ay mayroon namang isang malaking lalaki, na kung hindi ako nagkakamali ay kasama sa bumaba sa FJ kanina, na hinatak pwersahan ang babae palayo sa crowd.

The man from the clinic suddenly showed up, with some company behind him, he kept his eyes on me habang papalapit siya, "Always in trouble, aren't we?" It was like he's indirectly sending the message to me.

Napaangat naman ang kilay ok dahil sa tinuran niya, at sa huli inirapan ko nalamang siya bago hinaklit papaalis sa mga tao si Red. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang kami sa palibot ng tao ay biglang may sumulpot sa harapan ko, na tila ba hangin sa sobrang bilis nakarating sa harapan namin.

"If I were you I would definitely watch my back, even when sleeping." She murmured bago ako binangga sa balikat at dumaan sa gilid namin ni Red papunta roon sa lalaking kumausap saakin. She even clinged her arms at him. And all I could do was scoff.





Alpha TravisWhere stories live. Discover now