Kabanata 7

53 4 0
                                    


They say that it's better to be a good person than to be wise and smart but has a stinky attitude. But do they know that it's only a scam? That's what college taught me. Nakakailang tingin na ako sa result ng surprise quiz sa Chemistry. Feeling ko ako na pinakawalang alam na tao sa buong mundo. Hindi ko naman kasalanan na bobo ako pero talagang hindi lang ako nakapag aral. 

Nanay ko ay isang mathematics teacher sa isang pampublikong paaralan ngayon tapos ang Tatay ko naman ay isang licensed engineer. Sinabi ko naman kasi na kapag pinagsama ang matalinong tao ay kalalabasan ang katulad ko, mangmang.

"Ganda lang yata talaga ang maipapamana ko kapag nagka-anak ako." Ang tanging nasabi ko sa kalagitnaan ng katangahan ko.

Tumunog naman ang cellphone ko habang inaayos ko sa kamay ko ang mga gamit ko habang papaalis sa loob ng room, bagsak ang mga balikat nang pinindot ang call. I even wore an eyeglasses today dahil nga medyo sumasakit ang ulo ko dahil sa pinagawa ni Professor Hures. Madalas talaga hindi ko gusto ang Chemistry.

"Eya, meet me at the Tourism building! They're giving a free booze, we must get one." Panimula ni Red saakin. She even made a nickname for me. It was after I teased her at the Paroe Wing, iyong pagkalaas ng Cold Frame.

Kinamot ko naman ang ulo, "I'm in, bagsak ako sa quiz sa Chemistry. Saan ka na ba?" 

I took the elevator para naman mas mapabilis ang pagpunta ko kay Red, habang nasa elevator pababa ng building ay tinali ko ang buhok ko pataas at tinanggal ang coat na part ng school uniform, kaya naman ang natira ay ang long-sleeved shirt na may emblem ng school at naka tucked-in naman sa pencil skirt and laylayan. Binitbit ko nalamang ang blazer kasama ng ilang gamit ko, napatingin naman ang ilan saakin na kasabay ko sa elevator, siguro ngayon lang sila nakakita ng depressed and stressed na student.

Saktong pagkalabas ko ng elevator ay siniko ako ni Red, she raised the slides she's holding. "Oh, you look banging hot. Parang hindi naman bumagsak." She teased me, sinikmatan ko nalang siya at inagaw ang tsinelas sa kamay niya.

Gumilid naman muna kami sa hallway para isuot ko ang slides sa paa ko at ilagay ang school shoes ko sa paper bag niya at ang iilang notebook at module ay isiniksik ko 'rin. Kaya naman ang tangi kong hawak ay ang blazer, hindi kasi kasya na sa bag ko dahil naroon din sa loob ang pampalit ko mamaya na para sa Swimming mamaya dahil mayron kaming Physical Education nanaman. 

"Kapag hindi ako pumasa, sasayawan ko nalang si Hures." At sabay kaming lumakad ni Red.

She laughed at my antics, binatukan pa nga ako. "Mahalay ka! May girlfriend 'yun," Kinuha naman niya ang kamay ko na mayroong hawak na blazer ay inangat, "'Tsaka hindi ikaw ang type non."

Back to normal nanaman ang Univeristy, tuloy ang mga strand parties and such. Siyempre ay hindi alam ng Office kung ano ang mga halo sa drinks kaya naman nakakalusot, they even emptied the C2's bottle before replacing the content with pure booze. Kaya halos lahat ng nakakasalubong namin na mga estduyante ay kaniya-kaniyang bote. Sa harap ng building ng Tourism ay ang field na puno na halos ng booth, may kaniya-kaniyang tent kaya medyo malilim ang pwesto nila.

Sa entrance ay mayroong dalawang grupo na kada-pasok ng mga estudyante ay binibigyan nila ng bote. "Dito tayo pumila, Eya! Dalian mo," Tsaka naman kami sumingit sa pila ng iilan.

May mga naunang grupo saamin kaya naman nang malapit na ay umayos ng tayo si Red, ngunit ng makita siya ng lalaki na nagbibigay ng bote ay nawala ang ngiti ng lalaki at humindi kay Red. 

"Sasapakin kita, Allen!" Sigaw ni Red sabay kuha ng dalawang bote sa kamay ng tila kakilala naman pala niya. Akala ko naman ay kung ano nanaman. 

Tumingin naman ang lalaki saakin bago kumaway, "Such a treat," He said bago bumaling sa mga kaibigan, ang tanging nagawa ko nalamang ay ang iangat ang bote at tumango bago nagsimulang maglakad papaalis sakanila.

Alpha TravisWhere stories live. Discover now