Makata

12 0 0
                                    

Makata

Sa paghabi ng tula, puso ang magdidikta,
Isinulat ng mahika at mga sanga-sangang letra

Salitang masidhi, mapusok at nakahahalina
Nagnanangis na emosyon, isinisigaw sa bawat litanya

Tulad ng isang kanbas, iginuhit ng imahinasyon
Tintang ginamit ay hinubog ng mga aral at panahon.

Chesz Dylan©

PoemstagramWhere stories live. Discover now