Minsan; Napagod

7 0 0
                                    

Minsan; Napagod
Chesz Dylan©

Minsan nang nasaktan,
minsan nang lumaban.
Minsan nang nagtimpi--
at sadyang hinayaan.

Minsan nang nagselos--
at nagpursiging maayos.
Minsan nang nagpaubaya,
dahil sa pagnanais na huwag kumawala.

Minsan nang inintindi,
kahit ang tenga'y rinding-rindi.
Minsan nang napagod,
Pero nagpapatuloy kahit ilang beses nang natisod.

Alam mo ba ang masakit sa lahat nang minsan?
Iyong pinaglaban ko ang ating pagmamahalan.
Hanggang sa puntong ako'y nagpakatanga,
Pero kahit ni minsan ba, binigyan mo ako kahit kakarampot na halaga?

PoemstagramWhere stories live. Discover now