Musika

15 0 0
                                    

Musika

Halika't pakinggan ang bawat himno,
Sa saliw ng mga nota, tayo'y makitono.
Musikang kay sarap pakinggan;
Mga anghel sa langit sumasabay sa kantahan,
Ay liriko na malamyos sa aking tenga.
Sa bawat kumpas, ang tono ay nag-iiba;
Sa bawat pag kampay ng kamay, saliw nito'y umaariba;
Parang sirenang marikit na nakahahalina.
Sa bawat instrumentong tinitipa,
Ay sumasabay sa puyos ng damdamin.
Sa bawat kuwerdas na nilalaro ng mga daliri,
Ay may pitak sa puso, pag-awit na minimithi.
Musika, o musika
Bakit kapag ika'y naririnig, ang puso ko'y napapaawit?
Musika, o musika
Sa indak at boses mong animo'y haranang nasasambit.
Parang isang sining, walang kupas at hindi masukat ang kariktan
Habang buhay na tatatak, isang obra maestra.

Chesz Dylan©

PoemstagramWhere stories live. Discover now