Juana Margareta (Cora)
Di ko namalayang dumating na pala kami sa palasyo, hindi muna ako bumaba ng sasakyan. Gusto ko munang magpahinga sa loob kahit sandali man lang.
Matapos ang limang minuto, ay bumaba na ako ng sasakyan agad akong pumasok sa palasyo nang pinagbuksan ako ng pinto ng tagabantay. Paakyat na ako ng may tumawag sakin.
"Princesa margareta" magiliw na pagkakasabi nito, na para bang sabik na sabik akong makita.
Nilingon ko ang kinarururonan nito, at bumungad sakin si nanay freda. Napangiti ako ng makita ko siya, dahilan para lumapit sa kanya para yakapin siya.
"Nanay!" Maikling sabi ko sabay yakap ko sa kanya.
"Te extraño mucho, Princesa"(I miss you so much, princess) sabay halik sa pisngi ko.
"Nanay, di ba sabi ko wag muna akong tawaging princesa, kulit mo talaga." Lambing ko sa kanya.
"Ohh, sya maganda ba ang pinuntahan mo? Nag enjoy ka ba?" Usisa nito.
Nginitian ko si nanay sabay bulong sa kanya.
"Tan hermoso lugar, nanay. Sobrang nag enjoy talaga ako"(so beautiful place).
"Mabuti naman at nag enjoy ka" sagot nito.
Naputol ang pag-uusap namin ng may dumating, Si Señor Rudolfo.
"Paumanhin po mahal na princesa, sapagkat hindi ko ninais na disturbohin kayo sa inyong pag-uusap. Ngunit nais ka pong maka-usap ng iyong ama, ang mahal na hari". Magiliw na pagkakasabi sabay yuko.
Agad akong sumunod sa kanya at iniwan si nanay freda. Maya-maya pa ay nakarating na kami. Agad na pinagbuksan ako ng pinto.
Hari:
Pagkapasok ni margareta ay agad naman siyang umupo, dahilan para mapaupo din ako. Bakas sa mukha niya ang pagod, kaya hindi ko na kailangang mag tanong kung ano ang ginawa niya buong araw.
"Ano po yun ama" alinlangang tanong nito.
"Alam kung napagod ka sa pamamasyal, pero ninais ko paring makausap ka, para sa importanting bagay." Sabi ko.
"Papa, kung tungkol ulit ito sa pagiging isang princesa ko. Diba napag usapan na natin to ." Paliwag niya.
Unti unting bumakas sa mukha niya ang lungkot, kapag napag usapan namin ang tungkol sa pagiging princesa nito.
"Pero ito ang mas makakabuti sayo." Pamimilit ko.
"Papa, ang mamuhay ng normal kagaya ng ibang tao ang gusto ko. Ayaw kung maging isang princesa, na lage nalang may nakabuntot at gumagawa ng mga gawain kahit kaya ko naman papa!." Galit na sabi nito.
"Ayaw kung maging katulad niyo! Na isang makasarili!" Dagdag nito na aakmang aalis.
"MARGARETA!!." Sigaw ko.
Di na ako nakapagpigil ng galit ko at nasigawan ko siya. Dahilan para mapahinto ito na aakmang aalis.
"Kung ganun!,.ipakakasal kita sa nag iisang anak ng pamilyang morez vela." Agad na pagpapasya ko.

YOU ARE READING
La Princesa
RomancePROLOGUE Written By: Miss K Language: Tagalog/English/Spanish Novel: Fan Fiction Status:................. Publish: April 08, 2017 It's a story about two people fall in love each other. No matter how hard it is, no matter how there status i...