Prologue

280 8 24
                                    

Ang mga titig niyang nakakapanghina. Mga matang hindi mo aakalaing nag e-exist pa pala sa ganitong panahon. Mga panahon na nabubuhay na tayong lahat sa realidad, ang mata niya ang nag iisang pantasya.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya saakin kaya binitawan ko siya at tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

"Hot-headed." Sabi ko sakanya at tumawa. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Nagkaron ba talaga siya ng amnesia? Para kasing kilalang kilala niya parin ako bilang worst enemy niya.

"Ikaw Mark! Wala kang karapatan na paiyakin si Anne. Wala siyang ginagawa sayo!" Sabi ni Nikka at tinalikuran na kaming lahat at umakyat ulit. Lumabas si Ricca sa may kusina at tinignan kami.

"Some scenes lang nakalimutan niya sa buhay niya pero yung ugali niya hindi parin niya nakakalimutan kaya pasensya na." Sabi ni Ricca at sinundan si Nikka sa taas. Sumalampak ako sa gitna nilang lahat kaya nakarinig ako ng sari-saring reaksyon.

"Ano bayan!" Reklamo ni Alex na katabi ko.

"Sumikip lalo!" Sabi naman ni Joshua na nasa kabilang banda ko.

"Tigil nga pagrereklamo niyo!" Sigaw ko naman at tinawanan sila pero walang humor sa mga mukha nila. Mga seryoso!

"Nagagawa mo pang mag biro in times like these." Sabi naman ni Grail. Tinignan ko siya.

"Kaysa naman mag emo ako? Wala rin naman akong magagawa kung hindi niya ako maalala, hindi ba? Mababalik ba ng pagiging emosyonal yung mga alaala niya? Hindi rin di'ba? So why do you need to waste your time sa pag e-emo? Bakit hindi mo nalang ilaan ang mga oras na yan sa pag iisip kung paano ka niya maaalala ulit?" Tumawa ulit ako after ko sabihin yun. Lahat sila napatingin saakin.

"Hindi ko alam na may silbi ka pala?" Sabi naman ni Karl na tatahi-tahimik lang kaya bumusangot ako sakanya. Mga walang kwentang kaibigan!

"Hi boys!" Napatingin kami lahat sa pumasok. Ang mommy ni Anne at tita ni Alex. Malamang di'ba? Alangan namang mommy din ni Alex eh mag pinsan nga lang sila.

"Hi tita." Bati ni Alex at humalik sa tita niya. Sakto namang pag baba ni Anne kaya sinalubong niya ang ina niya. Sumulyap saamin si Anne bago siya sumama sa mommy niya sa may kusina. Tinignan ko si Mark na sinundan ng tingin si Anne.

"Gagawa gawa ng kagaguhan, di naman pala kayang panindigan." Parinig ko at tumawa ulit kaya lumingon saakin si Mark nang masama ang tingin kaya mas natawa ako.

"Tigilan mo yan si Mark. Hindi ka nakakatawa." Sabi naman ni Alex.

"At least kaya kong panindigan tong ginagawa ko." Sabi ko naman sakanya at tumawa ulit. Halatang badtrip na si Mark kaya tumigil na ako.

"Kaya daw." Singit naman ni Dexter kaya ako naman ang sumama ang tingin sakanya.

"Kung nakakamatay lang ang tingin, marami nang nakaburol ngayon." Sabi naman ni Mikhail kaya nalipat sakanya ang tingin naming tatlo.

"At kasama na siya don." Sabi ni Joshua at tumawa. Natawa din naman ako. Nag tawanan lang kami. Mga siraulo di'ba? After mag emo dito tatawa nalang?

"Stop laughing mukha kayong mga gago. Oops--- my bad. Gago na nga pala kayo ever since." Sabi ni Anne bigla sabay walkout.

"Anne!" Habol ni Mark pero too late.

"Sad story." Sabat ko naman at nag act na parang naluluha luha pa. Kaya balik nanaman ang mga pamatay na tingin ni Mark saakin. Don't get me wrong. Literal na pamatay hindi nakaka-inlove. Kadiri! Pwe! Hindi ko alam na nasasabi ko pala yon. Hindi ko pala nasabi, naisip ko lang pala.

"Wag nga sabing biruin eh." Sabi ng seryosong si Alex sa tabi ko. Nag act ako na parang zinip ang  labi ko. Nakita kong bumuntong hininga si Mark at bumalik sa pwesto niya.


Tahimik lang kaming lahat hanggang sa bumaba na ang girls for dinner. Natapos na din ang pinapanood namin kaya nag tayuan na din kaming lahat. Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay.

"Ayusin niyo nga yang mga mukha niyo. Para kasi kayong hindi makabasag pinggan. Hindi mga bagay sainyo. Nakakadiri tignan. Para kayong mga bakla kaya please lang ayus ayusin niyo buhay niyo." Sabi ko sakanila. Umayos naman sila kaagad bago pumasok sa dining area. Kumain na kami ng sabay sabay kahit na hindi kami kasya dahil pang dosehan lang ang mahaba nilang lamesa.

"Bakit ang tahimik dito?" Tanong ng tita ni Alex nang makapasok siya sa dining area. Wala namang kumikibo sa aming lahat kaya ako ang sumagot.

"May cold war po." Sabi ko at tumawa ulit. Hindi lang boys ang sumama ang tingin saakin, pati na rin ang ibang girls pero si Nikka, nakatingin lang siya saakin at parang nag tataka kung bakit pa ako nag e-exist sa mundong ito.

"Cold war? Bakit? Hindi ba dapat mag celebrate dahil nakabalik na si Nikka! Finally!" Sabi ng tita ni Alex at nilapag sa lamesa ang cake na mukhang binake niya. Nagkatinginan naman sila pero kumain nalang ako. Ayokong makisali dahil pang bakla lang yung ganun.

"Nag ce-celebrate nga po kami." Sabi naman ni Nikka at kumain lang. The girl na wala man lang kaalam alam na ang mga kasama niya ngayon ang dahilan kung bakit siya nagka-amnesia. Kung bakit siya umalis ng hometown niya. Kung bakit siya nahirapan.

Siguro tama nga si Ricca, swerte na rin niya dahil hindi niya maalala ang lahat. At least hindi na siya mahihirapan pa. At least hindi na siya masasaktan pag nakita niya kami.

"Pero paano kung bumalik?" Bulong ni Alex na para bang naririnig niya ang sinasabi ng utak ko kaya nilingon ko siya.

"Mind reader ka ba?" Tanong ko. Nag kibit balikat lang siya at tinignan ako.

"Sagutin mo nalang yung tanong ko. Kahit hindi mo na sabihin sakin. Sagutin mo nalang sa sarili mo. Kasi ako? Hindi ko alam kung anong gagawin natin kung mangyari yun. Kahit pa hindi ko naman problema yan." Sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Kumain kayo nang kumain. Masaya ako dahil nandito na ulit si Nikka. Kumpleto na kayong lahat. Sana naman mabuo niyo na ulit yung Fearless Stars. Marami kasing nag aabang sa comeback niyo." Minsan ang sarap nalang din pumatol sa mga matatanda eh no? Pero ayos lang, nag e-enjoy naman ako sa tita ni Anne pero biglang may sumagi sa isipan ko.

Isang tanong na para bang paulit ulit sinasabi saakin. Paulit ulit nag lalaro sa isipan ko.

Pero paano kung bumalik?

Paano nga ba kung all of a sudden bumalik ang alaala niya? Yung tipong kung gaano niya kabilis nakalimutan ang lahat, ganun din kabilis babalik yun sakanya? Ano nang gagawin namin? O ako? Ano nang gagawin ko? Hindi ko alam. Pero isa lang ang nakakasigurado ako. Ako si Jay at ako ang nag simula ng panibagong yugto ng istorya naming dalawa. Ako ang lalaban sa gitna, ako rin ang tatapos dahil ako ang nagsimula. Hindi ako papayag na masasaktan nanaman siya. Dahil sa pagkakataong ito, istorya ko ito. Istorya naming dalawa to.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now