xi

40 3 0
                                    

Cherophobia


Nikka's Point of View


Nasa garden kami. Pumasok sandali si Anne para hugasan ang mga plato na ginamit namin. Si Jay naman, kinukulit ako. Kinuha niya ang kamay ko para i-massage. Hinayaan ko siyang gawin 'yon.

"Nikka, okay ka lang ba?" Tanong ni Jay. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Sa kanilang lahat, alam kong si Jay ang nag iisang taong mapag tatanungan ko na hindi kayang magsinungaling sa akin. Pero ewan ko, sa sobrang preoccupied ng utak ko sa trabaho kaya hindi ko na rin iniisip.

"Bakit naman hindi ako magiging okay?" Tanong ko kay Jay. Tumigil siya sa pag masahe ng kamay ko. Si Alex, nag c-cellphone lang at walang pakialam sa nangyayari.

"Wala lang. Tagal mo ring hindi nag paramdam." Sabi niya na parang nagtatampo. Natawa naman ako, at the same time, na-guilty rin. Para tuloy lumalabas na ginamit ko lang siya n'ong mga panahon na kailangan ko siya.

"Sorry. Mas'yado akong naging busy sa work." Ngumuso naman ako. Napansin kong umiwas ng tingin si Jay. Anong problema nito?

"Okay lang. Na-realize ko lang din na baka hindi mo na kailangan 'yung tulong ko." Sabi niya. Tumingin si Alex sa kan'ya nang nakakunot ang noo. Ako naman ay natawa.

"Para ka talagang bading, Jay." Sabi ko sa kan'ya. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo.

"Saan punta mo?" Tanong ni Alex. Nakatingin lang ako kay Jay.

"Iihi, sama ka?" Napairap naman ako. Binato ni Alex 'yung tissue kay Jay kaya mas natawa ako. Pumasok na si Jay sa loob. Tinignan ko si Alex na seryosong nakatingin sa cellphone niya.

"Hindi active 'yung group chat natin ah. Bakit kaya?" Tanong niya. Tinignan ko naman ang group chat namin. Oo nga, walang nag c-chat simula pa n'ong nakaraan.

"Baka naman busy lang. Alam mo na, work work work." Sabi ko sa kan'ya pero kahit ako ay nagtataka. Kahit naman kasi busy sila sa work, hindi pa rin nila nakakalimutan na mag message. Knowing na sabay sabay silang nang ghost sa amin ngayon.

"Nikka, n'ong nagkita kayo ni Amanda sa mall years ago, hindi mo talaga siya kilala?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Alex. Iniisip ko ang pangyayaring iyon nang maalala ko 'yung babaeng nang away sa akin sa mall n'ong first bonding naming magkakaibigan mula n'ong bumalik ako.

"Hindi ko siya kilala, Alex. Ni-hindi ko nga alam kung bakit galit na galit siya sa akin. At ngayon, wala pa rin akong idea kung sino siya. Though, sabi niyo, girlfriend siya ni Dexter. Ni-respeto ko na lang na baka gan'on ang ugali niya." Sabi ko at tinignan ang mga pagkain na hindi naubos. Marami pang food sa loob kasya pa pang twenty na tao, fifteen kapag malalakas kumain.

"Eh si Jay? Ano sa'yo si Jay?" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Si Jay? Kaibigan ko. Minsan nga lang ay hindi mo siya maintindihan. Hindi mo alam kung trip ka lang ba niya o talagang caring siya. Ewan ko. Hindi ko siya ma-predict. Parang araw araw, panibagong tao 'yung haharapin mo." Sagot ko naman. Sakto naman n'on ang paglabas ni Jay. Tumabi siya ulit sa akin at tinakpan ang ibang pagkain.

"Siguro, kailangan na nating magligpit, dumidilim na rin. Umiilaw na 'yung mga solar lights oh." Sabi ko sa kanila. Tumayo na kami at nagsimulang magligpitan.

"SURPRISE!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sabay sabay na taong sumigaw sa likuran ko. Pag harap ko, nakita ko silang lahat! Kumpleto! Tumakbo ako para yakapin sila. Gan'on din ang dalawa.

"AHHHHH!!!!! Hindi kayo nagsabi!" Tili ko. Niyakap ko nang mahigpit si Krys dahil sobrang namiss ko siya. Naramdaman ko rin ang higpit ng yakap niya sa akin.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now