xv

21 0 0
                                    

Sagot


Nikka's Point of View

Sinugod ko si Scarlet dahil sobrang nanggigigil ako sa ginawa niya! Anong karapatan niyang gawin iyon kay Mark at Anne?!

Pagkatapos ko siyang sabunutan at kung ano ano, nilayo nila ako sa kan'ya.

"Tama na Nikka!" Sigaw ni Amanda kasabay ng pagsigaw din ng mga kaibigan namin. Pinipilit nilang hilahin ako kay Amanda pero hindi ko ginagawa. Binitawan ko ang buhok nito at tinulak siya sabay sampal ng maraming beses.

"Ang lakas ng loob mo! Hindi ko siya nilandi! Nag sawa lang talaga siya sayo dahil ang landi landi mong bruha ka!" Umiiyak na ng sobra si Amanda pero hindi parin ako tumitigil sa pananakit sakanya.

"Tama na Nikka!" Sigaw niyang muli pero hindi parin ako tumigil. Atras siya nang atras para makaiwas sa mga pananakit ko. "Nikka Buntis ako!" Sa tatlong salita na iyon. Natigil ako sa ginagawa ko sakanya. Kahit ang mga may hawak saakin ay natigilan rin.

"Ano?" Lakas ng loob kong tanong sakanya.

"BUNTIS AKO NIKKA! BUNTIS AKO AT SI DEXTER ANG AMA!" Tumulo ang luha ko kasabay nang pag tulo ng dugo sa may binti ni Amanda. Napatingin ako doon kaya naman tumingin din siya.

"Omygosh Amanda!" Sigaw ni Tessha. Sumigaw si Amanda. I started panicking I don't know what to do.

"Ang baby ko! Ang baby ko!" Sigaw niya. Napaawang ang bibig ko dahil sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Napahawak ako sa ulo ko. Sari-saring memorya ang unti unting bumabalik sa akin. Hindi ko alam pero alam kong hindi iyon isa lamang ilusyon! Alam kong totoo ang lahat ng iyon!

Habang hawak ko ang ulo ko, unti unti na ring bumabalik ang masasayang alaala. Ang fearless stars, ang lahat.

Gusto kong umiyak pero nanatili akong normal lang. Hindi ko pinahalata sa kanila na naaalala ko na ang lahat!

Ako ang dahilan kung bakit muntik nang malaglag ang bata na dinadala ni Amanda! Kaya siya galit sa akin, dahil ako 'yon! Muntik na ring mawalan ng ama ang anak niya at dahil muli iyon sa akin!

"Okay ka lang ba? Sumasakit na naman ba ang ulo mo?" Tanong ni Anne. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. Alam kong mag aalala na naman ito sa akin. Hindi ko na kakayanin na mag alala na naman siya sa akin.

"Ikaw ba, ayos ka lang?" Ngumiti naman siya sa akin. Alam kong masakit para sa kan'ya ang mga nangyari ngayon kaya ayoko na rin sanang dumagdag. Pero alam ko rin na mamaya ay sasabihin ko na rin kay Anne na naaalala ko na. Sa lahat, siya ang  pinakaapektado. Alam kong pinipigilan niya ang damdamin niya para kay Mark dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung nakausad na ba ang iba pero inaalala ko na lang muna ngayon ay si Anne.


Nang makapasok kaming lahat sa loob, hindi ako mapakali kung paano ko ba kakausapin si Anne. Naiwan sa labas si Mark at mukhang nasaktan talaga siya sa ginawa ni Scarlet, at ngayon, nasasaktan din si Anne dahil nasasaktan si Mark. Hindi ko rin alam kung mahalaga na ba si Scarlet kay Mark, kung oo man, bwisit siya! Ang tanga tanga niya para hindi makita na nagpapanggap lang si Anne dahil sa akin.

"Anne, pwede ba kitang makausap sa taas?" Napatingin siya sa akin. Alam kong nagmamakaawa na ang mga tingin ko sa kan'ya kaya naman pinaunlakan niya ako.


Pag akyat namin sa kwarto niya, sinabi ko ang lahat sa kan'ya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya at pagsisisi pero hindi ko naman kasi kayang magalit sa kahit sino sa kanila. Gusto ko na lang muna ngayon, ayusin 'yung mga nasira. Alam kong ayaw niya sa plano ko pero ayun talaga ang gusto ko. Gusto ko munang alamin kung ayos na ba si Krys at si Alexies para alam ko kung may kailangan pa ba akong ayusin.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now