xii

46 5 0
                                    

Panaginip


Nikka's Point of View


After ng kwentuhan, nagdecide na ang tropa na matulog na pero hindi ako mapakali kasi hindi pa rin bumabalik si Anne. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Tumayo ako at lumabas para tignan kung nasa garden ba siya o nasa pool area. But knowing Anne? Hindi 'yun pupunta rito nang mag isa kasi duwag 'yon. Hindi nga ako nagkamali. Wala si Anne rito. Sigurado naman akong wala siya sa loob dahil makikita ko siya if ever na umakyat siya.

Hindi ako marunong mag maneho pero kailangan kong hanapin si Anne. Pumasok ako ulit sa loob at pinagmasdan ang mga kaibigan ko. Tulog na sila. Maglalakad na lang siguro ako o maghahanap ng taxi.

Nang makapag palit ako, agad agad akong lumabas ng bahay. Palabas na sana ako nang gate nang may magsalita sa likod ko.

"Saan punta mo?" Pag tingin ko, si Dexter. Hindi kami mas'yado nakakapag usap ni Dexter. Ni-hindi ko na nga maalala kung ano ang huling araw na nag usap kami o kung nakapag usap na ba talaga kami. Pero magaan ang loob ko sa kan'ya. Parang matagal ko na talaga siyang kilala. Parang sila Jay lang. Siguro, isa siya sa mga major details na nakalimutan ko.

"Gusto ko sana hanapin si Anne." Sabi ko sa kan'ya. Tinignan niya ako nang matagal at seryoso. Gwapo rin pala ang isang ito. Sayang lang dahil may anak na siya sa isang bruha. Bakit niya kaya nagustuhan si Amanda? Well, siguro naman may nakita siya rito na hindi namin makita. Naniniwala ako na sa isang tao, kahit gaano ito kademonyo, darating pa rin 'yung nag iisang tao na makakikita ng katiting na kabaitan niya sa katawan. 

"Paano mo naman gagawin 'yon eh hindi ka naman marunong mag drive? Maglalakad ka? Sobrang delikado na, Nikka. Anong oras na." Sabi niya naman. Nalungkot ako dahil may point siya. Late na para maglakad lakad. Madaling araw na.

"Nag aalala na kasi ako sa kan'ya. Hindi man lang siya nag te-text sa akin. Ikaw na nagsabi, delikado na. Baka kung mapano 'yon." Sabi ko naman sa kan'ya. Tumingin siya sa loob ng bahay.

"Sasamahan na kita." Parang nag lit up naman 'yung buong pagkatao ko nang sabihin niya 'yon. Masaya ako na gusto niya akong samahan dahil gusto ko rin siyang makausap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kailangan ko siyang kausapin.

Sumakay na kami sa kotse. Lumabas na kami sa bahay nila Anne. Wala talaga akong alam kung saan namin siya hahanapin pero nag decide kami na puntahan siya sa Park na malapit sa kanila.

"Nasaan ka na ba, Anne?" Sabi ko nang tumitingin sa paligid baka kasi naglalakad siya pabalik.

"'Wag ka mag alala mas'yado. Masama 'yan sa'yo." Tumingin ako kay Dexter. Anong ibig niyang sabihin? Bakit? May sakit ba ako?

"Anong makakasama? May sakit ba ako? Wala naman akong sakit." Sabi ko sa kan'ya. Nanahimik naman siya. Nakarating kami ng park pero walang Anne na nakita r'on. Nasaan na ba siya?

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ni Dexter nang makita na wala naman si Anne sa park. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam. Akala ko kilalang kilala ko na si Anne, mali pala ako. Hindi ko alam kung saan siya pupunta sa mga gan'tong panahon. Wala akong idea.

"Hindi ko alam kung saan dapat magpunta." Sabi ko sa kan'ya. Sobrang nalungkot ako. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya.

"Manghingi na tayo ng tulong kay Mark." Sabi naman ni Dexter kaya napalingon ako sa kan'ya at kumunot ang noo ko.

"Unang una, si Mark ang dahilan kung bakit natin hinahanap si Anne ngayon. Sa tingin mo ba, manghihingi ako ng tulong sa kan'ya?" Hinawakan ni Dexter ang balikat ko kaya napatingin ako rito. Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. Hinimas niya ang balikat ko at aaminin ko, napakalma ako nito.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now