v

42 5 8
                                    

Nikka's Point of View


Ilang linggo na rin simula n'ong umalis si Ricca. Ang lungkot kasi unti unti kaming nababawasan pero maayos naman 'yung group chat namin kaya nakakapag communicate pa kami kahit papaano. Kapag hindi busy o kapag day off nila. Pero mas madalas ay wala talaga dahil minsan lang nagtatago ang mga day off nila.

"Ma, gusto ko na rin maghanap ng work." Sabi ko kay mama dahil bored na bored ako rito sa bahay.

"Oh, bakit hindi?" Tanong ni mama. Ngumuso naman ako. Hindi ko rin kasi talaga alam kung saan magsisimulang maghanap ng trabaho.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung anong trabaho ba 'yung gusto kong gawin." Natawa naman si mama sa sinabi ko.

"Edi magsimula ka r'on sa mga gustong gusto mo talagang gawin. Mag apply ka sa mga cosmetic company kung saan gumagawa sila ng mga make up. Tutal ayun naman ang hilig mong gawin.

"Hindi ba parang priority nila r'on 'yung mga may experience na? Eh wala pa naman akong experience bukod n'ong OJT ko." Ngumuso ulit ako kay mama. Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Alam ko namang kayang kaya mo 'yan, Nikka. May experience ka pa rin kasi nga n'ong OJT mo. Kaya mo 'yan. Kung hindi ka naman matanggap sa isa, marami pa namang company d'yan. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon eh matatanggap ka kaagad. Kailangan mong paghirapan lahat ng bagay." Napangiti ako sa sinabi sa akin ni mama. Alam kong sobrang laki ng tiwala niya sa akin at ayokong sirain iyon.


Simula n'on, naghanap na ako ng mga cosmetic company na naghahanap ng employees. May mga nakita naman ako kaya nagsend ako kaagad ng email. May ibang hindi pa nagre-reply pero ang iba naman ay looking forward na makita ako sa kanilang company for interviews.

"Busy ka na ata ngayon?" Isang araw na bumisita sa akin si Krys.

"Naghahanap ako ng trabaho. Ayoko naman kasing ma-OP sa inyo. Lagi ko na lang kasi kayong niyayaya tapos mga busy kayo sa trabaho niyo. Nakakainggit magtrabaho, 'no!" Natawa naman si Krys sa sinabi ko. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang manood ng kdrama. Gan'on naman kasi kami ever since.


"Good morning. Ako po si Nikka Nuevo." Napatingin sa akin 'yung babaeng nakasuot ng corporate attire. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kan'ya pabalik.

"Pasok ka." Pumasok naman ako. Nag start nang mag interview sa akin at kung ano ano pa. Hanggang sa mag end up na naman sa tatawagan daw nila ako kapag nakuha ako.

Parang naging daily routine ko na rin ang mga interviews dahil sa paghahanap ng trabaho. Aaminin ko, medyo mahirap pala pero kakayanin.

Nandito ulit ako sa isang company. Naghihintay tawagin. 

"Nikka?" Napatingin ako sa isang babaeng tumawag sa pangalan ko. Hindi ko siya maalala pero parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

"Ahm... Hello?" Nagtataka siya nang makita ako na parang naguguluhan.

"Hindi mo na ba ako maalala? Ako 'to! Si Claire!" Nag act ako na parang naalala ko siya kahit hindi naman talaga. Ayaw ko siyang ma-offend pero hindi ko talaga maalala kung saan kami nagkita.

"Ah! Oo, Claire from High School?" Nanghula na lang ako pero mukhang mali ang hula ko dahil bumusangot siya.

"Ano ka ba! College tayo nagkakilala! Medyo hindi lang maganda past natin n'on kasi transferee ako sa school niyo." Bigla namang nag flashback sa akin ang isang alaala kung saan parte siya. Nasa cafeteria kami pero hindi ko alam kung anong nangyayari basta nand'on siya.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now