iv

47 5 0
                                    

Achievement


Nikka's Point of View

Ilang linggo ang lumipas nang walang nagpapakiramdaman sa aming lahat. Hindi ko alam kung dahil ba sa binibigyan namin ng space ang isa't isa dahil sa mga nangyayari o dahil wala lang talagang oras.

"Ma, anong ulam natin?" Tanong ko kay Mama. Napatingin naman siya sa akin habang nagluluto siya.

"Mechado, pupunta raw si Krys dito ah? Request niyang magluto ako ng mechado dahil namiss niya raw." Natatawang sabi naman ni Mama. Napaisip ako dahil hindi naman nabanggit sa akin ni Krys na pupunta siya rito.

"Talaga? Hindi naman nabanggit ni Krys na pupunta siya rito." Sagot ko sa kan'ya kaya napatingin siya ulit sa akin.

"Gan'on ba? Baka nakaligtaan niya lang. Alam mo na, hindi naman kayo pabata." Sabi ni mama. Napaisip na naman ako sa sinabi niya. Kapag ba kay mama ako nagtanong ng mga bagay na gusto kong malaman, sasagutin niya kaya ako?

"Ma..." Panimula ko.

"Hmm?" Bumalik na siya sa pagluluto niya pero alam kong ang kan'yang atensyon ay nasa akin pa rin.

"Bakit tayo nagpunta ng Canada?" Napansin ko ang pagtigil sandali ni mama sa pagluluto pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Hindi ko alam pero napapansin ko rin ang pagiging tense niya mula n'ong nagtanong ako.

"Nagugutom ka na ba?" Pag iiba niya sa topic kaya naman hindi ko na lang pinilit na tanungin pa siya. Wala rin naman akong mapapala. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti.

"Hintayin na natin si Krys, Ma." Sabi ko sa kan'ya na ikina-tango niya naman. Pinanood ko ang bawat galaw ni mama at ramdam kong hindi siya mapakali.

"Mama Gea!!!!!" Narinig ko ang nakakarinding boses ni Krys sa labas kaya naman napabaling ang tingin ko r'on. Dumiretso siya sa rito sa kusina at inamoy ang niluluto ni mama.

"Wow ha! Una, hindi mo sinabing pupunta ka rito, pangalawa, dinaan daanan mo lang ako na para bang hindi mo ako nakita." Pag tataray ko kay Krys, although palagi namang gan'on ang eksena namin kapag napunta siya rito sa bahay. 

"Napakaselosa mo naman! Halika na baby! Kiss kita." Sabi niya sa akin at lumapit pa kaya tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. Tumawa lang naman si mama. Napairap na lang ako at lumabas ng kusina at pumunta sa sala. Sinundan naman ako ni Krys.

"Krys..." 

"Hmm?"

"Bakit ba ayaw niyong sabihin sa akin 'yung totoo?" Tinignan ako ni Krys nang malungkot ang mga mata niya pero walang bakas ng lungkot sa mukha niya.

"Anong totoo ang pinagsasabi mo r'yan?" Nagawa niya pang tumawa sa mga tanong ko. Kahit pa lahat sila ay sabihin sa akin na wala silang tinatago, alam ko sa sarili ko na meron. Alam ko sa sarili kong may hindi ako maalala dahil kahit anong pilit ko, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagising isang araw na nasa Canada ako. Alam kong may nangyaring hindi maganda. Ang hindi ko lang alam, ano? Ano 'yung nangyaring hindi maganda?

"Anong nangyari sa akin bago ako umalis?" Pinilit ko siya na sabihin sa akin dahil nagbabaka sakali ako na isipin niyang kaibigan niya ako simula pa bata kami kaya sa lahat ng tao, siya ang nakakakilala sa akin.

"Ano ka ba, Nikka? Ano bang pinag iisip mo? Walang nangyari sa'yo bago ka umalis! Bakit? Wala ka bang maalala?" Tanong niya sa akin. Umiling iling naman ako sa kan'ya.

"Hindi ko alam kung bakit pag gising ko isang araw, nasa Canada na ako." Tumawa naman siya nang malakas.

"Isipin mong mabuti. Baka sa sobrang tagal mo sa Canada, hindi mo lang maalala kung anong punot dulo kung bakit ka umalis! And baka sa sobrang bored mo rito sa bahay niyo, wala ka nang magawa kaya nag o-overthink ka na!" Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako ulit nagsalita hanggang sa tawagin na kami ni mama para kumain.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now