ii

43 5 5
                                    

Mark's Point of View

Nag gala ako ng tingin sa mga panda na naka hilera sa gift factory. Naalala kong mahilig si Anne dito sa panda. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa mga kagaguhang ginawa ko sakanya dahil hanggang ngayon, hindi ko parin mapatawad ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko sakanya.

"Wow. Ang cute talaga ng mga panda!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Nikka. Siya lang mag isa at sa tingin ko ay hindi niya kasama ang tropa niya dahil may mga pasok ito.

"Nikka..." Tumingin saakin si Nikka at kumunot ang kanyang noo.

"Ayoko na pala rito. May bwisit." Sabi niya at tinalikuran ako. Hinabol ko naman siya at hinawakan siya sa braso niya.

"Nikka..." Wala akong ibang nasabi kundi ang pangalan niya. Tinignan niya ako ng malamig.

"Alam mo? Wala akong alam sainyo ni Anne pero nakakainis dahil hindi mo siya pinapahalagahan. Mukha namang mahal ka niya eh pero hindi mo siya ginagawang treasure sa buhay mo. Sobrang nakakainis sa part ko kasi syempre kaibigan ko siya. Kakauwi ko lang dito sa Pilipinas tapos makikita ko siyang umiiyak? Nakakairita! Hindi mo siya deserve." Sabi niya saakin. Napabuntong hininga naman ako.

"Pasensya na kung nagawa ko 'yun. Hindi ko rin naman talaga sinasadya. Hindi ko naman kasi alam at siguro nag panic lang ako sa mga nangyari n'ong araw na 'yun. Nagulat kami na bumalik ka na." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit ka naman magugulat na bumalik na ako eh hindi ko nga kayo kilala? I mean, close ba tayo para magulat ka nang sobra at saktan mo ang kaibigan ko?" Umirap siya saakin at nag walk out. Napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang panda. Pumasok ako sa store at binili iyon.


Nandito ako sa tapat ng bahay nila Anne. Tinext ko si Alex na nandito ako kaya naman lumabas siya para papasukin ako. Tinulungan niya ako sa mga dala ko. Binigay ko sakanya ang malaking panda at sabay kaming pumasok sa loob.

"Nasa taas siya. Tatawagin ko na ba?" Tanong niya saakin. Nag isip muna ako nang gagawin bago ako tuluyang um-oo sakanya. Tumango naman siya at umakyat sa taas.

Nakita kong pababa si Anne at nasa likod niya si Alex. Nang makita niya ako ay babalik na sana siya sa taas pero hinarang siya ni Alex.

"Ano ka ba? Give him a chance at least." Bumuntong hininga si Anne at tinignan ako. Umikot ang mata niya bago tuluyang bumaba. Umupo siya sa sofa katabi ang panda na binili ko. Uupo sana ako sa tabi niya pero nilipat niya 'yung panda d'on kaya na-sense ko na ayaw niya akong katabi kaya naman umupo nalang ako sa kabilang side n'ong panda.

"Ano pa bang gusto mong pag usapan? Hindi pa ba cleared sa'yo na ayoko na. Ayoko na, Mark! Gets mo ba? Hindi na 'to mag wo-work kahit kailan. Kahit paano natin 'to ipaglaban, hindi na. Hinding hindi na. Kasi may mga bagay na kahit gusto mo pa, kailangan mo na talagang bitawan kasi hindi naman para sa'yo!" Kalmado siya pero may diin sa bawat salitang nanggagaling sa mga labi niya. Ang sakit pala talaga. Ang sakit kapag 'yung taong gusto mong makasama na habang buhay, eh bumibitaw na sa'yo. Iniisip na hindi kayo ang para sa isa't isa.

"Bumibitaw ka na ba talaga? Kahit katiting na pagkapit nalang, Anne. Kahit ako nalang 'yung humila sa'yo paakyat. Ako nalang mag aahon sa'yo pabalik. Just give me a chance." Kalmado lang din ako pero gusto ko na talagang umiyak.

"There are things na feeling mo meant sa'yo kasi hindi mo kayang mawala 'yung bagay na 'yun, but then, after a while, you'll realize that you can go through a day na wala siya. 'Yung pakiramdam na hindi ka na umiiyak, hindi ka na nasasaktan, hindi mo na siya nami-miss, hindi mo na siya hinahanap. Para bang bigla ka na lang nagising one day na okay ka na pala. It hurts, yes, but what hurts is what heals, too." She said which made my tear fall.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now