ix

34 4 11
                                    

The Girl

Krys' Point of View

Malungkot akong ginagawa ang trabaho ko. Hindi ko alam pero sobrang naho-homesick talaga ako. Ilang buwan ko na ring kinakaya 'yung pakiramdam pero minsan, unbearable talaga. Iniiyak ko na lang 'yung pagka-miss ko sa mga outings at lahat lahat. Gusto ko nang umuwi pero kailangan ko munang mag trabaho.

"Hi Krys." Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Si Oxe. Simula n'ong napunta ako rito, hindi na niya ako tinigilan. Sabi niya sa akin, hindi raw siya naniniwala sa love at first sight pero n'ong nakita niya ako, bigla na lang siyang naniwala. Alam kong medyo korny at gasgas na 'yon pero ayon ang sinabi niya eh.

"Hello." Walang gana kong sagot sa kan'ya. Matapos kay Xander, parang ayoko na muna. Kahit na sobrang sincere naman ng mga pinapakita ni Oxe sa akin, parang wala talaga akong pakialam. Minsan nga, parang nahihirapan na ako na nand'yan siya sa paligid dahil hindi siya talaga tumitigil kahit na sabihin kong hindi pa ako ready.

"Kumain ka na ba?" Umiling naman ako. He's learning Filipino dahil sabi niya, gusto niya raw na mas madali ang communication namin. Even though okay naman kami sa English, mas gusto niya pa ring Filipino. Ewan ko ba bakit pa siya nag e-effort eh hindi ko naman pinapakita ang interes ko sa kan'ya.

"Oxe, I told you already that you should stop pursuing me." I told him. Ngumiti lang siya sa akin pero hindi na ako nagulat. Tuwing binabasted at pinapaalala ko sa kan'ya na hindi pa ako handa at ayaw ko pa, palagi lang siyang ngumingiti. Walang bahid ng kasinungalingan ang mga ngiting binibigay niya sa akin.

"I don't know the word, "give up", Krys. I really really like you." He said. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Alam ko na 'yon. Kabisado ko na nga ata 'yon eh. Kulang na lang ay ihampas niya sa akin ang mga salitang "gusto kita" para matauhan akong hindi siya titigil. Sinubukan ko naman na pumasok sa panibagong relasyon pero hindi ko pa rin talaga kaya. Though, okay na ako. Naka move on na ako. Ayoko pa lang talagang mag commit ulit. Self love should be a priority.

"Whatever you want to do, Oxe. Basta ako, sinabi ko na sa'yong ayoko." I'm not sure if he get that clearly since hindi pa naman siya mas'yadong fond sa Filipino pero wala na akong pakialam. Bumalik na lang ako sa trabaho.

Makalipas ang ilang minuto lang, bumalik na naman sa table ko si Oxe dala ang pagkain. Napabuntong hininga na lang ako.

"You don't need to be rude about me giving you some food. Let's say that I'm just a concerned co-worker of yours." Inunahan na niya ako bago pa ako makapagsalita. Bumuntong hininga na lang ako. Tinanggap ko na ang pagkain na inalok niya. Tama siya, I don't need to be rude to him at all times. May mga pagkakataon lang talaga na ayokong tanggapin ang kahit anong galing sa kan'ya dahil baka mag lead ito sa misunderstanding.

Late na at halos nag uwian na ang mga co-workers ko pero nanatili ako sa opisina. Ginawa ko ang lahat ng aking dapat gawin for the whole month dahil nagp-plano akong umuwi. Since last week ay nag o-overtime ako para matapos ko na ang lahat ASAP. Namimiss ko na talaga ang Pilipinas at hindi na ako makatiis na hindi umuwi. Pakiramdam ko kasi, mamamatay na ako kapag hindi pa ako nakauwi ngayong buwan.

"You should rest." Sabi ng boss ko. Tinignan ko naman siya at ngumiti nang pagod.

"I should, but I can't. I don't want to." I answered honestly. Nasabi ko na rin sa kan'ya ang plano kong umuwi. Sabi niya ay basta matapos ko ang dapat kong gawin, I'm free to go.

"I'm not pressuring you when I told you that you should finish everything you need to finish, Krys." He said. Hindi niya alam na bago pa niya sabihin 'yon, pressured na ako. Gusto ko na kasi talagang matapos ang lahat. Kung pwede ngang tapusin ko na lahat ngayong araw ay tatapusin ko na talaga.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now