xiv

15 1 0
                                    

Mine

Anne's Point of View

Nagpunta ako sa hill, sumakay lang ako sa cab. Matapos kong mag walk out kagabi, hindi ko na talaga alam kung saan ako pwedeng pumunta na hindi ko siya maaalala. Kaya nag desisyon ako na sa hill na lang pumunta at tanggapin ang katotohanan na walang lugar na hindi magpapaalala sa kan'ya.

Habang nasa hill ako, umiyak lang ako r'on. Umiyak at nagtanong nang nagtanong. Sino 'yung tumawag sa kan'ya? Naka-move on na ba siya? Okay na ba siya? Masaya na ba siya? Bawat tanong ay mas sumasakit, nadadagdagan ito kapag sinasagot ko ang sarili ko ng "oo".

Ang hirap pala kapag isa na lang ang hindi nakakausad. Alam mo sa sarili mo na wala nang pakialam sa 'yo 'yung mahal mo kasi may mahal na siyang iba.

Bakit gan'on? Ako naman 'yung tumapos pero bakit ako 'yung pinaka nasasaktan sa aming dalawa? Kasi alam kong mali 'yung ginawa ko? Kasi alam kong nagsisisi na ako?

Mag a-alas singko na ako umuwi sa bahay. Kahit na alam kong mugto ang mga mata ko ay wala na akong pakialam. Dumiretso ako nang tulog kahit pa ang daming tanong ni Krys dahil naabutan ko siyang gising. Sinabi pa niya na hinahanap daw ako Nikka pero wala na akong pakialam. Natulog na lang ako.

Paggising ko, hindi na ako ginulo pang muli ni Krys. Binabangungot si Nikka kaya ginising ko siya. Matapos ang ilang minuto ay ang paglabas ni Krys. Susundan ko sana siya pero hindi ko na lang ginawa dahil nakita kong sumunod si Alexies sa kan'ya.

Kakain na kami kaya inutusan ako ni mama na tawagin na ang lahat. Hindi pa pumapasok ulit si Krys at Alexies kaya naman lumabas ako para tawagin sila. Pero kapag sinuswerte ka nga naman, nadulas pa ako dahil sa basang tiles dahil kakadilig lang ng halaman.

"Ay palaka!" Napasigaw ako pero nagulat ako nang may sumalo sa akin kaya hindi natuloy ang pagkadulas ko.

At kapag sinuswerte ka nga talaga, si Mark 'yon.

Nang matapos kaming kumain, nag ayos ako ng pinagkainan. Ayokong magsalita at ayaw rin naman ni mama at Alex na magtanong. Kaya nang matapos ay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at nagpaikot ikot pero nagulat ako nang may pumasok dito. Si Mark.

"Anong ginagawa mo rito?" Nakatingin lang siya sa akin na para bang naguguluhan siya. Ako rin, Mark. Gulong gulo na rin ako.

"Anong ginagawa mo sa hill kagabi?" Ako naman ang kumunot ang noo. Bakit kailangan niyang gawing big deal ang bagay na iyon?

"Wala, Mark! Nagpunta lang ako r'on dahil malungkot ako! Hindi mo kailangan gawing big deal 'yon!" Nabigla ako nang lumapit siya sa akin kaya pilit naman akong lumalayo pero pilit din siyang lumalapit. Hanggang sa wala na akong maatrasan kaya't na-lock niya ako sa dingding.

"Bakit ka malungkot?" Hinawakan niya ang buhok ko. Gusto kong umiyak dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Namiss ko siya! Namiss ko ang presensya niya! Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin na kami na lang ulit. Pero hindi pwede. Hindi na pwede kasi hindi na dapat.

"M-marami lang akong iniisip." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang sarili ko. Dahil ang totoo, matagal ko na ring gustong ibalik ang dati naming pinagsamahan.

"Bakit hindi mo pa ito pinapalitan?" Kinuha niya ang kwintas ko na binigay niya sa akin n'ong nililigawan niya pa lang ako. Napuno ng galit ang isip ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

Ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ko para kumawala sa kan'ya at nagtagumpay naman ako.

"Pinapalitan? Gan'on na lang ba kadali sa 'yo na palitan ang mga bagay, Mark? Oo! Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan kung bakit tayo gan'to, dahil ako 'yung tumapos! Alam ko! 'Wag mo nang ipamukha na okay ka na at ako, hindi pa. Dahil Mark, working in progress pa rin naman ako! Hindi pa man ako nakakamove on, at least sinusubukan ko at alam kong konti na lang, nand'on na ako! Kaya pasensya na ha?! Pasensya na kung hindi ko pa napapalitan! Hindi pa kita napapalitan!" Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Hinabol naman niya ako.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now