xvi

29 2 6
                                    

Love


Krys' Point of View

Halong tatlong araw kong tinititigan si Alexies. Iniisip ko kasi ang mga sinabi ni Nikka sa akin. Pinagmamasdan ko kung matagal ba siyang nakababad sa kan'yang telepono o kung may kausap o kachat ba siya. Halos tatlong araw ako gumawa ng observation, pero parang wala naman. Madalas kasi na kasama niya ang mga lalaki at naglalaro lang sila. Kung minsan nga ay iniiwan niya ang cellphone niya sa kung saan at hahanapin na lang kapag tapos na silang mag saya.

"Baka naman matunaw 'yan kakatitig mo!" Sigaw ni Doreena kaya naman binatukan ko siya. Napahawak naman siya sa kan'yang ulo. "Grabe ang mga tao rito! Hindi ko alam kung ilang batok na ba ang nakuha ko mula sa inyong lahat!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Para ka kasing tanga r'yan!" Sabi ko na lang at inabala ang sarili sa mga trabaho na iniwan sa akin ni Oxe.

"Higante, bakit hindi pa nagiging kayo ulit ni Xander? Ang labo niyo namang dalawa! Mukha naman kasing hindi pa kayo pareho nakakamove on! Ikaw, kahit sabihin mo na med'yo type mo na ang boss mong si Oxe, hindi pa rin ako naniniwalang napantayan niya si Xander." Napairap na lang ako sa kan'ya.

"Naaapektuhan na 'yang utak mo, Dwarfy. Ikaw nga eh! Hindi mo naman binalikan si Karl. Hindi purkit nagkabalikan na 'yung dalawa eh gagaya na tayo!" Humagikgik naman si Doreena kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Kami kasi ni Karl, as in, over na talaga! Walang wala na! Kayo ni Xander, meron pa! May feelings pa. Kami ni Karl, happy na siya sa bago niyang girlfriend. Nakapag usap na kami n'on, at ako, alam mo naman ako, maganda, kaya hindi mahirap sa akin na maghanap ng bagong bebe." Natatawa niyang sabi kaya nanliit ang mga mata ko sa kan'ya. Mukha naman ngang masaya siya ngayon sa dami ng mga nanliligaw sa kan'ya.

"Nako, Dwarfy! Hinay hinay sa pag-ibig at baka mauwi na naman ang lahat ng iyan sa wala!" Umirap siya sa akin at hinampas ako.

"Ikaw ang mag ingat, Higante. Baka sa kakatitig mo kay Xander, magulat ka na lang na may ibang tumuklaw na riyan dahil sa kabagalan mo!" 'Yun lang at umalis na siya sa tabi ko. Hinabol ko pa nga ang buhok niya at sinabunutan siya kaya nairita na naman siya, at si Anne na lang ang kinulit.

Napasandal ako sa sofa at bumalik ang tingin kay Xander. Ang hirap hirap naman nito! Ang hirap kasi walang kasiguraduhan ang pag amin ko sa kan'ya kung sakali!

Nabigla ako nang may tumawag sa kan'ya. Lumabas siya at sinagot ito. Tinignan ako ni Doreena at sinabing sundan ko para malaman ko kung sino ang tumawag sa kan'ya. Ayoko naman na magmukhang stalker kaya pinalipas ko muna ang ilang minuto bago lumabas.

"Yes, I will. I love you. Bye." At binaba na niya ang telepono. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko pero nagpatuloy ako sa paglabas na para bang hindi ko sinad'ya na marinig ang lahat.

"Oh, nandito ka pala?" Awkward kong sabi. Ewan ko, nag-guilty ako na nakinig ako, pakiramdam ko sobrang private n'on kahit pa hindi ko naman narinig ang buo nilang pinagusapan.

"Ah, yeah, a call," Tinaas niya ang phone niya at pinakita sa akin. Tumango naman ako. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa labas?" Tumingin ako sa paligid para tignan ang maaaring maging dahilan ng paglabas ko pero nagulat ako nang may mag doorbell kaya naman binuksan ko na lang iyon.

"Oh, Dexter!" Si Dexter na magulo ang buhok at malalim ang eye-bugs. Pakiramdam ko ay wala siyang matinong tulog dahil sa anak at asawa niya.

"Hello, Krys." Nilakihan ko ang bukas ng gate para makapasok siya. Sumunod ako sa kan'ya dahil ayaw ko nang maiwan kasama ni Alexies sa labas. At least ngayon, alam ko nang kahihinatnan kapag umamin ako sa kan'ya. Hindi ko na lang gagawin para walang awkwardness na mangyari sa amin any time soon. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now