viii

38 5 17
                                    

Same old Jay


Alex' Point of View


Nagising ako sa lakas ng boses ni Anne. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa namin ni Mark. Isipin mo kasi, mula alas kwatro ng umaga hanggang alas siyete ng gabi kami uminom. Walang tigil. Hindi ko alam kung bakit namin 'yon ginawa pero wala na talaga kaming maisip. Ni-hindi ko nga maalala kung paano pa kami nakauwi. Literal na pang demonyo talaga ang mga katawan namin.

"Ano ba namang boses 'yan!" Sigaw ko dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Aba! Sino bang sira ulong nag inom nang mahigit dose oras? Hindi na kayo nahiya sa mga sarili niyo! Paano kung magkasakit kayo niyan? Magsisisi na lang kayo kung kailan huli na ang lahat!" Sigaw na naman ni Anne. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko siyang mukhang sabog pa. Mukhang kulang sa tulog. Siguro ay nag alala siya talaga sa amin.

"Asaan si Jay?" Tanong ko na lang.

"Pupuntahan ko pa lang. Bumangon ka na r'yan! Eto kape." Sabi niya sabay lagay ng kape sa tabi ko. Ngumiti ako sa kan'ya pero tinarayan lang niya ako.

"Alam ko namang mahal mo ako kahit na tinatarayan at pinapagalitan mo ako." Nag walk out lang ang pinsan ko dahil sa sinabi ko. Ang sakit talaga ng ulo ko at hindi ko na alam kung paano pa ako makakakilos. Parang gusto ko na lang talagang humiga buong araw.

"Ayan ayan! Ano? Hindi kayo makabangon pareho ni Alex, ano? Inom pa!" Hanggang dito sa kwarto ko ay naririnig ko ang boses ni Anne. Medyo nawala na ang sakit ng ulo ko dahil sa tapang ng kape na tinimpla ni Anne para sa akin. Tumayo ako at pinuntahan ko si Anne.

"Ano ba 'yan, Anne! Hindi na ako magtataka kung tatandang dalaga ka! Napakabungangera mo!" Natawa naman si Anne dahil sa sinabi ni Jay. Lumapit siya rito at inabot din ang kape. Napangiti na lang ako.

"Inumin mo 'yan nang mahimasmasan ka naman. Mag suffer kayo sa hang over niyo! Ginusto niyo 'yan eh." Sabi niya at umalis. Matapos niyang umalis ay ako naman ang pumasok. Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Jay.

"'Wag ka ngang ngumiti! Baka naman sa sobrang caring ng pinsan ko ay magustuhan mo na rin 'yan!" Pang aasar ko. Umirap sa akin si Jay.

"Pwede ba? Hindi ako napatol sa taong hindi pa moved on." Sabi niya.

"Oh? Eh bakit balak mo nang pormahan si Nikka? Sigurado ka na bang naka move on na siya?" Tinignan ako ni Jay na parang naiirita pero pinipigilan niya ang kan'yang sarili.

"Tigilan mo nga ako, Alex! Sobrang sakit ng ulo ko!" Sabi niya at uminom ng kape. Natawa ako nang ngumiwi siya dahil sa kape na ininom niya.

"Tapang 'no? Talo ka." Natawa ako sa sarili ko pero sinamaan ako ng tingin ni Jay kaya umalis na ako sa kwarto niya. Baka kasi mabato pa ako.

Pagbaba ko ay nakita ko si Anne na nagluluto. Napakasipag talaga ng babaeng ito. Parang hindi marunong magpahinga.

"Anne? Wala kang pasok?" Tumingin siya sa akin dala na rin siguro ng gulat dahil nandito ako. Hindi naman kasi ako usually nangingialam ng mga luto.

"Meron. Mamaya na ako papasok." Sabi niya. Nainis naman ako sa sagot niya. Aaminin ko, inasahan kong wala siyang pasok dahil hindi na siya nakapagpapahinga. Parang pinaparusahan niya 'yung sarili niya.

"Bakit hindi ka mag bakasyon, Anne? Umalis ka. Mag isip isip ka. 'Wag mong parusahan 'yung sarili mo." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Anong sinasabi mo? Ayos lang ako. Kailangan ko lang talagang mag trabaho ngayon dahil ayokong natatambak 'yung mga trabaho ko. Gusto kong maaga matapos ang lahat ng kailangan kong gawin. Yes, Alex. I will have a vacation soon. I just need to finish everything." Sabi niya sa akin. At some point, it made me calm knowing na magbabakasyon siya. She's considering to rest and give herself some time for her.

Philophobia 2: Cheropobia (On hold)Where stories live. Discover now