Chapter 22: Feelings

7 2 0
                                    

Ace's POV;

Halos tatlong araw ko ng iniisip si Suho. Anong meron sa kanya? Bakit siya umiyak? Ito kasing si D.O eh palagi na lang akong pinupunta sa hot seat. Tsk. Pero bakit ganun? Ang lakas ng tibok ng puso ko nung hinalikan niya ako, at hanggang ngayon di ko parin makalimutan yung feeling.

"Hi Ace. Ang aga mong gumising, may pupuntahan ka ba?" tanong ni Arcee habang hawak hawak ang tinimpla niyang kape.

"Oo, may kakausapin lang ako"

Tumango siya at tumalikod pero humarap ulit.

"Ace?..."

"Oh...bakit?"

"Pwedeng humingi ng favor?" sabi niya kasunod ng isang buntong hininga

"Kung maaga kang makakauwi...pwede bang lumabas tayo? May gusto sana akong sabihin sayo?"

"Ah...siyempre naman!" sabay ngiti ng malaki. May problema kaya to?

Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Suho.

"Good Morning Suho pwede ka ba ngayon?"

"Good Morning, Yes"

-------

Kanina ko pa gustong magsalita pero di ko magawa halos mabingi na ako sa katahimikan.

"Nagbreakfast ka na ba?" nilingon ko siya dahil sa malumanay niyang boses

"Ah...h-hindi pa nga eh" tumayo siya at ipinalad sa harapan ko ang kanang kamay niya.

"Kain muna tayo gutom na din kasi ako e..." saad niya sabay ngiti

Pumunta kami sa isang Korean Restaurant, umorder siya at ganun rin ako

"Hindi mo pa ba gagalawin yung pagkain mo?" tanong niya saken na bumuhay naman sa diwa ko

"Ay oo ito kakain na..."

"Ano ba yung sasabihin mo?" pagkatapos kong malunok yung karne nilingon ko siya at tiningnan ang ngiti niyang parang ngiti ng isang anghel

"Ahm...g-gusto ko sanang malaman kung nandun ka ba sa classroom noong may nangyaring eksena samin ni D.O?" nauutal utal pa ako kasi kahibangan na itong mga naiisip ko.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang, parang nakita kasi kita nun na umiiyak? Ikaw ba yun?" nag iba ang emosyon niya na nakita ko sa kaniyang mga mata

"Oo..." kinakabahan na ako kasi parang di ko na mapipigilan ang sarili ko na magtanong pa ng magtanong

"Bakit ka umiiyak noon? May nangyari ba sayo?" ibinaba niya yung hawak niyang chopsticks at tiningnan ako ng seryoso

"Ace...kasi.."

Bigla akong nagulat dahil nagvibrate ng malakas yung cellphone ko

Tiningnan ko si Suho...

"Suho excuse me... sagutin ko lang" tumango siya kaya sinagot ko na agad

"Hello?"

"ACE! ACE! Bilisan mo at pumunta ka na dito!"

"Bakit? Bakit anong nangyari? "

"Si Ceejay!!!"

-----

Nagmadali akong pumasok sa room kung saan naka confine si Ceejay

Pagkapasok ko biglang bumungad sa harapan ko si Baekhyun na namumugto pa ang mga mata.

"A-anong nangyari? Ayos lang ba si Ceejay?" lumapit si Krizzha saken at niyakap ako.

"Ace si Ceejay kasi she fainted while we are  practicing our intermission number for this coming Foundation Day... sinabi na nga namin na kapag di siya okay wag na muna siyang magpractice, pero nagpumilit siyang sumayaw parin" umiiyak na paliwanag saken ni Krizzha

Instant Husband "Exo (fan fiction)"Where stories live. Discover now