Chapter 23: I remember

20 3 0
                                    


Pagdilat ng mga mata ko ramdam agad ng aking mukha ang sikat ng araw na kanina pa pala tumatama saken. Hindi ko ito pinansin at dahan dahan nang umupo, pinikit ko ng marahan ang aking mata at sinubukang balikan ang mga bumalik na alaala saken.

Meron pa rin ang mga ito at masaya ako kahit mas napagulo nito ang sitwasyon at least alam ko na ang mga nangyayari. Tumayo ako at pumunta sa kusina, hindi muna ako babalik sa bahay. Tumakas nga pala ako kagabi pagkatapos makausap si D.O alam ko namang di ako titigilan ng dalawang yun lalo na't ngayon alam ko na ang lahat. At ayoko din munang makita ang mga kaibigan ko dahil di ko mapigilang mainis sa kanila, di na rin ako nagpaalam at di na rin ako nagsabi sa kahit kanino na dito muna ako tutuloy kila Tita Cindy.

"Ace? Gising ka na pala halika na at para makakain ka na nakapagluto na ako alam kong pagod na pagod ka sa biyahe" pangbungad na sabi saken ni Tita Cindy, sinunod ko siya umupo na ako at ganun din siya

"Bakit nga pala biglaan ang pagdalaw mo dito?" nagtatakang tanong niya saken

"Wala lang po Tita, namiss ko lang po talaga ang luto niyo. Matagal tagal na rin po kasi kayong di nakakadalaw samen e at alam ko naman po na busy na kayong negosyante ngayon kaya't ako na lang muna ang dadalaw sa inyo"

"Ah..ganun ba? Ikaw talaga namiss mo ako at ang luto ko? Ako talaga ang favorite mong Tita noh?" ngumiti ako at tumango ng tumango

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo, namiss ko talaga si Tita Cindy siya lang kasi ang Tita kong super close parang siya na nga ang nanay ko e dahil siya ang nag alaga saken simula nung nag grade one ako  hanggang second year high school. Kambal siya ni Mama pero malaki ang pagkakaiba nila, si Tita gusto lang ay simpleng buhay si Mama naman gusto ay Maayos at masaganang buhay, hindi ko naman masisisi si Mama kung yun ang buhay na gusto niya sa aming pamilya. Pero kahit ganun yun mahal na mahal ko yun

"Tita?"

"Bakit anak?" halos ayaw pang bumuka ng bibig ko sa kaba

"Kung ayos lang po sana wag niyo po munang sabihin kahit kanino na nandito ako?"

"Huh? Bakit anak tumakas ka ba?"

Tumango ako at nagbuntong hininga
"Opo sa katunayan nga po e, may nangyari na di ko pa kayang harapin "

"Ano ba yun anak? May nanakit ba sayo? May gumugulo ba sayo?"

"Wala po Tita, wala pong nananakit saken at wala naman akong mabigat na dahilan. Gusto ko lang po talaga sanang mapag-isa muna at para makapag isip isip bago sila harapin "

"Ganun ba anak? Sige ako nang bahala dun pero sana naman anak masabi mo saken ang problema mo? Kasi hindi kita matutulungan kung di ko man lang alam ang problema mo?"

"Tita, alam niyo pong malaki ang tiwala ko sa inyo at alam ko din naman pong mahal niyo ako katulad ng pagmamahal ko sa inyo kaya sasabihin ko po sa inyo para mabawasbawasan po ang bigat" lumapit pa siya saken at hinaplos ang likod ko

"Sige lang anak, nandito lang ako handang makinig sa lahat ng sasabihin mo"

"Tita..."

"Naaalala ko na po ang lahat" tumulo nanaman ang mga luha ko

"Alam ko na pong lahat, tungkol sa pagkabata ko tungkol sa mga taong kilala ko at ang mga nakaraan ko"

"N-nak? Ayos lang ba ikaw nang maalala mo ang lahat? Anak patawarin mo ako at isa ako sa mga taong hindi naglakas ng loob na tumulong sayo na maibalik ang mga alaala  mo. Ayaw lang kasi ng Mama at Papa mo na mapahamak ka ulit"

"Tita, totoo po bang ganun ka judmental si Mama? Simula nang bata pa ako dapat lahat ng sabihin niya ay gawin ko. Wala na akong ginawang mabuti!" Umiiyak na ako ng sobra dahil sa sakit ng puso ko

Instant Husband "Exo (fan fiction)"Where stories live. Discover now