Umaga na pala? Di ako nakatulog kakaisip sa kanya. Bakit siya pa?
Pagtingin ko sa side table, 6:30 am na!! Syet. Late na ko nito.
I rushed through the bathroom and to my thing. Nagbihis na kagad ako pagkatapos.
“Ma, I’ll be late for school. Dun na lang ako kakain. Bye.” Sigaw ko habang papalabas ng gate, nagmamadali kasi talaga ko.
At last, nakarating na din ako sa pesteng lugar na ‘to. I’m I so mean? Ewan? Siguro pagka senior na ko tsaka ko lang maaappreciate ang school na ‘to. Yeah, I’m just a 3rd year student.
While walking in the hallway, I saw him. Yung lalaking di napagod kakatakbo sa isip ko. Oo, si Andrew Agoncillo nga. Nagtataka ba kayo kung bakit siya? Ako din eh!! Hindi nya ko pinatulog kagabi. Ayan tuloy, ang laki ng eyebags ko..
Hmm. Si Andrew? Di kami close nyan. Mayabang pa. As in! Kaya nga nagulat ako nung sumama sya sakin. Matangkad siya. Matangos ilong. Gwapo? Oo., escort yan ng room naming eh. Maraming nagkakagusto sakanya except me! Ang sungit kaya nyan. Mayaman? Pwede na rin, nakukuha naman niya lahat ng gusto niya eh..
“Ouch!” napaupo ako sa pagkakabangga ng mga babaeng akala mo mamamatay na sa sobrang kilig. “Stupid!” sigaw ko sa kanila.
Sino bang pinagkakaguluhan nila? May artista ba? Sus. Ang sama ng bagsak ko ah! Di pa rin ako makatayo nang may mag-offer ng kamay niya para tulungan ako.
Kaagad akong tumingin sa taong nagmamay-ari ng kamay na ‘yon.
At sa sobrang gulat ko eh, napatayo na lang ako bigla at nakita ang mga tingin ng mga nanlilisik na tigre. Este, babae pala.
“I need to go.” Sabi ko doon sa lalaki at dali-daling tumayo.
Siya nga yun. Hindi ako nagkakamali..
Si Paul.
Paul.
Paul Salvador.. ang first love ko.
Flashback *3 years ago*
Me: Gusto kita Paul. Pero bata pa tayo, marami pang chance.
Paul: Alam ko. Kaya nga sinabi ko na rin sayo ngayon pa lang na gusto na kita. Ayoko kasi na maunahan pa ko ng iba.
Me: Loko ka talaga! Hindi pa naman kita masasagot eh.
Paul: Maghihintay ako, kahit ilang taon pa yan.. Mahal kita eh.
Masaya kami ni Paul. Masaya kami sa pagiging M.U. Lagi kaming magkatext. Lagi kaming magkasama. Kahit nag-aaway kami dahil sa simpleng bagay lang, nakukuha naming intindihin ang isa’t isa. Nagpursige ako sa pag-aaral ng dahil sa kanya
Sa tagal ng pagiging M.U. namin, napagdesisyunan ko na sasagutin ko na siya. Mahal ko naman siya eh, at ganon din siya sa akin.
Kaya nung birthday nya, pumunta ako sa bahay nila. Yung pagsagot sa kanya ang magiging birthday gift ko. Alam kong matutuwa siya..
Pero nakita ko, paalis sila ng bahay. May kasama siyang babae at holding hands pa sila.
Anong meron? Ang sakit nun ah!
Sumakay sila sa kotse.
Pumara ako ng taxi para sundan sila. Umiiyak ako. Di ko namalayan na nakahinto na ang taxi at nandito kami ngayon sa airport.
“Airport?” bulong ko sa sarili.
I was just standing behind their car and I could see their sweetness right here.
Nakita ko yung driver na pabalik na sa sasakyan.
“Manong, sino po yung kasama ni Paul?” wala akong paki kung hindi na ko bumati. Kailangan kong malaman kung sino yung makating babae na yon.
“Ah. Mariz, ikaw pala.” Yes, she used to call me Mariz.. “Si Zoe yun, kababata ni Paul.” Yun ang sabi nya.
Kababata? As in childhood friend? Takte. Paano pa naging sweet friend ang kababata?
“Eh bakit po ganon sila ka-sweet?” Oh crap! Syempre, magkababata nga! Tanga. “I mean, san po sila pupunta?”
“Sa States. Magbabakasyon.”
Wow ah. Ang bongga. Samantalang ako, di ko pa nakakasama magbakasyon ‘tong si Paul!
“Ah. Sila lang pong dalawa?” tanong ko.
“Oo. Sige hija, mauna na ko. Ingat ka.” Paalam niya.
Napatigil na lang ako sa mga nalaman ko. Putek. Ang tagal nap ala kong niloloko ng gagong ‘to. Pasalamat siya at birthday niya, kung hindi, pagbubuhulin ko sila ng Zoe niya!
Nakita ko ni Paul kaya tumakbo na ko palayo. Magsosorry lang naman yun at sasabihin, “Please set me free.” Bugok ba siya? Laklakin na niya yung sorry at set me free nya!
Ang sakit nun ah. Tagos sa puso oh..
Sabagay. Ano nga bang karapatan ko? Eh hindi naman kami.
M.U. nga eh. Mag-isang umiibig. Siguro ako nga lang yung nagmamahal. Ang tanga mo Aila!
Nawala yung ka-bitteran ko nang mabunggo na naman ako.
“Aray! Langya naman. Ang malas ko talaga!”
“Sorry miss.”rinig kong sabi ng nakabunggo sakin.
“Sorry?? Eh-” magrereklamo n asana ako na late na ko sa klase ko ng makita ko ang mukha niya.
“Sorry talaga.” Nagpout pa. Nagpapacute ba ‘to? Sige. Apology accepted. Ang gwapo mo eh! “Bakit ka kasi nagdadaydream diyan?”
“Huh? What are you talking about?” in denial pa ko para di mapahiya.
“Wala.” Suplado talaga! Binabawi ko na, hindi ka gwapo! Period!
“Teka, bakit nasa labas ka ng room? 7:20 na oh? We’re late!” sabay hatak ko sakanya.
“Wait.” Huminto ako sa pagtakbo. Ano na naman?
“Bakit?”
“Wala naman si Ma’am eh.”
“Eh bakit nagpahatak ka pa sakin? Bakit di mo sinabi kagad? Badtrip ka ah!” sigaw ko sakanya.
“Eh hinila mo kaya ako kaagad. Di na ko nakapalag. Amazona. Ang lakas mo kasi eh.” Aba, at nang-asar pa. Grrr!! Palipasin na nga lang. Masisira araw ko.
“Bahala ka sa buhay mo. Di ka ba talaga sasama pabalik sa room?” tanong ko.
“Hindi na. Mauna ka na.” pagtanggi nya.
I started walking away from him. Bakit ang lungkot ko nung hindi siya sumama sakin? Eh bakit ang epal ng nararamdaman ko?
Kanina, si Paul. Nung nakita ko, gusto ko siyang sapakin! At the same time, gusto ko ring yakapin. Namiss ko kaya yung tao. Hindi ako malandi ah!
Tapos eto namang si Andrew.. Parang tanga lang. Inaasar ako lagi. Bwiset. Bakit ko ba siya iniisip lagi?
Alam mo yung nalilito? Ako yun..
BINABASA MO ANG
Love Isn't Just For Me
Teen FictionAila Mercado. A typical teenager who's been cheated by the one she loves. By that time, she promised herself that she won't fall in love again. Here comes a boy who changed her ways. She broke her own promise, she fell in love again. But love seems...