Chapter 23

206 5 7
                                    

Ayisha’s POV

Napakagaling ko nga naman talaga. Unti-unti ng nabubuo ang plano ko. Una, ang agawin si Paul kay Aila, ngayon naman, ang mawala sa buhay niya si Andrew. Gusto ko siyang mag-suffer. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko, galit ako sa kanya.

Lahat na lang ng gusto ko, nakukuha niya. Eh mas maganda naman ako sa kanya ah? Nakakabwiset. Pero okay lang, maaagaw ko din ang lahat Aila.

Kasama ko si Andrew ngayon. Syempre, hindi siya pinapansin ni Aila, sabi ko, wag din niyang pansinin. Tignan lang natin kung saan aabot yang mga pride niyo.

“Andrew.”

“Bakit?”

“Gusto mo bang tulungan kita kay Aila?” syempre, joke lang to. May plano pa ko para maging miserable buhay ni Aila.

“Talaga? Gagawin mo yun? Eh diba sabi mo wag ko muna siya pansinin?” hay nako. Ang tanga din talaga nitong si Andrew, hanggang ngayon, uto-uto pa rin. Tsk.

“Oo nga, pero di mo ba naisip na dapat ikaw ang gumagawa ng move para magkabati kayo?”

“Oo nga noh. Sige, tulungan mo ko ah.”

“Syempre naman.”

At dahil nagsisimula na nga ang Valentine’s chuchu sa school na ‘to, na ewan ko kung bakit ako tinanggap, samantalang February na.. Ngayon ang pinakamagandang time para sa plano ko. Alam kong magwowork to. Sa galing kong ‘to?

Pinuntahan ko si Aila sa library, lagi lang daw siyang nandoon sabi ng mga losers niyang kaibigan. Ganoon ba siya ka-grade conscious at lagi siyang nag-aaral? Hmp. Kainis.

Nakita ko nga siya doon, pero di naman nagbabasa ng libro, nakaupo lang. tulala. Hahahaha. Ang sarap naman niyang panoorin, parang baliw na siya dun eh.

“Aila.” Tawag ko sa kanya. Humarap naman siya.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Bakit? Bawal na ba ako pumunta dito?”

“Kung sisirain mo lang ang araw ko, umalis ka na.” well my dear, di ko naman sisirain ang araw mo, sabihin na nating sisirain ko ang buhay mo.

“Pinapunta ako dito ni Andrew, pumunta ka daw sa gym mamayang 5pm. Hihintayin ka niya kahit anong mangyari.” Pagkasabi ko nun ay umalis na ko.

Alam kong pupunta si Aila. Ganoon niya kamahal si Andrew na kahit pinapautos lang niya eh, pupunta kaagad siya. Uto-uto din tong si Aila. Bagay nga silang magsama ni Andrew. Pero, no no no no, aagawin ko pa si Andrew sa kanya.

Aila’s POV

“Pinapunta ako dito ni Andrew, pumunta ka daw sa gym mamayang 5pm. Hihintayin ka niya kahit anong mangyari.”

Laging pumapasok sa utak ko yang sinabi ni Ayisha. 3pm na at hanggang ngayon, di pa ako nakakapagdesisyon kung pupunta ako.

Alam kong mag-eexplain lang siya sa akin. Gusto kong marinig yun. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na siyang makasama.

Kaya lang naman ako nagmatigas para malaman niya na hindi ako nadadaan sa mga sorry o ano ano pakulo. Pero di ko na kaya, miss na miss ko na siya.

“Bok. Di muna ako sasabay sa inyo. May pupuntahan pa ko eh.” Sabi k okay Jeanne.

“Gusto mo samahan ka na namin?” alok niya.

“Nako. Wag na. mauna na kayo.” Sabi ko.

“Sige, ingat ka ah.” At umalis na siya.

Si Paul, simula nung pumasok, hindi ako kinakausap. Alam ko namang may kasalanan siya, pero napatawad ko na siya kahit hindi pa niya hingin sa akin yun.

Love Isn't Just For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon