Aila’s POV
This is it! Food Fest na!
Sinundo ako ni Drew para sabay na daw kaming pumasok. Marami din kasi akong dala para sa éclairs na gagawin namin mamaya.
Nung nakita ko si Drew, naalala ko yung nangyari kahapon. Di nga ako makaget over sa sobrang kilig eh!
Alam mo yung sasabog na yung puso ko kakatalon niya? Sabi pa ng puso ko.
“OMGOMGOMGOMG! I’m super kilig!! Hay. Pwede na ko mamatay! Nakakakilig!”
Oo, ayan ang sabi ng puso ko, napakagulo nga eh. Gusto na daw mamatay, kaya ayun, nagtatalon. Hehe.
Sobrang sweet talaga ni Drew. Di ko akalain na ganon siya ka-sweet. Grabe lang eh.
Tigilan ko na nga ang pag-iisip dun. Baka tuluyan ng mamatay si heart sa kakatalon eh.
Sumakay na kami ni Drew sa taxi. Tahimik lang kaming dalawa. Baka wala to sa mood magsalit kaya dina lang din ako nagsalita..
Iniisip ko yung gagawin naming éclairs mamaya. Sana maging masarap. Ay, mali. Magiging masarap yun! Haha. Ako pa? magaling ata ako pagdating sa pastry!
At dahil nga food fest, walang pasok ngayon. I mean, walang klase. Pero pwede pumasok. Syempre, sino bibili nung ihahanda namin kung wala? Ang engot ko.
Medyo konti pa lang ang mga estudyante.. Buti naman at maaga kami pumasok. Para makapag-prepare na din.
“Etong mga batang to! Akala mo nasa bahay lang eh!”
Paano kasi, mga naka-shorts at tube lang ang suot. Wala naman akong natatandaan na may intermission number eh? Sila nab a ang bagong member ng Sexbomb?
“Ano ka ba Riz? Ang sesexy nga nila eh!” nagsalita nga tong si Drew, yun pa sinabi. De sila na sexy!
“Walangya ka! Mga freshmen lang yung mga yun!” grabe to. Ang sweet kahapon tapos kung makalandi, sa harap ko pa!
“Oo nga, fresh!” binulong pa talaga sa akin yung word na Fresh? Aba’t lagot ka sa akin mamaya. Babawi ako!
“Ok.” Yun na lang sinabi ko.
“Eto naman. Nagtampo ka kaagad. Mas sexy ka sa mga yun noh!”
“Matagal ko ng alam.” Ang taray. Haha.
Naglalakad lang kami ng biglang may kumuha ng dala ko. Si Paul.
May dala rin naman si Drew, kaso din a niya kaya lahat kaya tinulungan ko na.
“Oh. Hi ‘La! You look so sexy in your outfit!” OMG. Feeling ko, kasing pula na ng kamatis yung cheeks ko. Tsaka, nakafitted shirt at skinny jeans lang naman ako ah?
Si Paul talaga, ang gentleman na, ang honest pa! hahaha.
“Oh talaga? Di kaya, ang taba ko oh?” nakita ko si Drew, muhkang inis na inis niya. Gantihan lang Sweety. Haha.
“Hindi ah! Kitang kita figure mo!” sabi naman ni Paul.
“Salamat ah? Oo na, sexy na siya!” sabay hatak sa akin ni Drew. Nauuna na tuloy kami maglakad. Hay, ang selos hormones.. Umaapaw na naman!
“Anong problema mo? Kasama natin siya sa group, iniwan mo pa? dapat hinila mo na rin!” sabi ko sa kanya.
“Eh kasi, nagsese-. Baka masapak ko lang siya!” nako. Buko ka na, nagseselos ka. Boom!
“Oh wag kang hot Andrew.. Si ‘La lang ang hot para sa akin.” Sabay ngiti ni Paul.
Gusto talaga nito ng away eh?

BINABASA MO ANG
Love Isn't Just For Me
Teen FictionAila Mercado. A typical teenager who's been cheated by the one she loves. By that time, she promised herself that she won't fall in love again. Here comes a boy who changed her ways. She broke her own promise, she fell in love again. But love seems...