Aila’s POV
Hay nako! Bakit pa kasi ako pumayag na sumama eh? Ano ako? Chaperone sa date nila? Psh.
Pero infairness, ano kayang pinakain ni Jeanne kay Paul? Isang araw, iba na mahal mo? Possible naman yun eh, kaya nga lang sa pagkakakilala ko kay Paul, hindi marunong mag-move on yun. Haha. Joke lang.
Isang araw, iba na mahal mo..Sanaako din, para di na ako nasasaktan ng ganito.
Nakarating na ako sa Greenbelt 5. meeting place namin sa Pinkberry. Fave tambayan ko simula nung magkalabuan kami ni Andrew. Araw-araw akong nandito para kumain. Oh diba? Pagpakabusog kaysa magpakabitter.
Papasok na ako sa shop pero wala pa ring Jeanne at Paul sa paningin ko. Asan na ba yung mga yun?! Lumipat ako sa kabilang side, baka nandoon sila.
Pero iba pala makikita ko. Isang lalaki, nakayuko. Ano siya? Emo?
Pero parang familiar yung lalaki eh.
Bakit naman yun pupunta dito? Eh hindi niya nga alam to? Pwera na lang kung sinabi nila Jeanne. Eh bakit siya ba yung iniisip ko? Hindi naman siya tong lalaking emo na to.
Gusto ko sanang umalis sa kinatatayuan ko, pero may sariling utak ang katawan ko. Ayaw umalis. Badtrip.Parabang may pinapahiwatig? Ano naman yun?
Pinipilit kong umalis, pero wala talaga. Psh. Tinitigan ko na lang si Kuyang emo, baka sakaling makaalis ako dito.
Tinitigan ko siya. Kahit nakayuko, kahit di ko nakikita mukha niya. Ano kayang itsura niya? Feeling ko.. feeling ko talaga, kamukha ni Andrew eh. Tsk. Parang matagal ko na siyang kilala?
Dun ko lang narealize na kilala ko pala talaga si Kuyang emo.
Hindi pwede. Bakit siya nandito? Bakit niya alam to? Asan sila Jeanne? Gusto ko sang magwala, pero iba ang nasabi ko.
“Andrew?” tinaas niya yung ulo niya. Siya nga.
“Riz.” Parang alam niya talaga na pupunta ako ah? Ano to? Set-up? Tsk.
“Anong ginagawa mo dito?” normal lang Riz. Act as if nothing happened.
“Gustosanakitang kausapin.” Grabe. Wag mo kong dadaanin diyan sa sincerity mo. Baka mawala galit ko. Sa totoo lang, napatawad ko na siya, ang kaso, masakit talaga eh. Di ko makakalimutan yun. Na yung taong pinakamahal mo, eh nagawa kang saktan.
“Nag-uusap na kaya tayo.” Sabi ko pa ng nakangiti.
“Umupo ka.” Makautos naman to! Oy, may kasalanan ka sa akin! Pero, sinunod ko naman. Nakakatakot magalit to eh.
“Eh ano?”
“Sorry.” Alam ko naming sincere siya. Nagbago na itsura niya, gwapo pa din naman, pero makikita mo na parang depressed siya. Ang laki ng eyebags! Parang ako lang? tapos mukhang helpless. Ano ba nangyayari sa kanya?
Wag ka munang bumigay Aila. Tignan mo muna kung hanggang saan niya kaya..
“Sorry?”
Hinawakan niya yung kamay ko and look straight to my eyes. “Sorry Riz. Sorry kung nasaktan kita. Hindi mo lang alam, triple yung sakit na naramdaman ko nung nagawa ko yun. Patawarin mo ko. Hindi ko na alam gagawin ko.” Sabi niya.
Triple ah? Eh bakit hindi niya m,una inisip yung gagawin niya para wala ng nasaktan diba? Psh. Isang bonggang Psh!
Tinanggal ko yung kamay ko. “Alam mo, yung sorry para lang sa mga bagay na hindi sinasadya.. Hindi sa mga bagay na paulit-ulit ginagawa.”
Nag-iba yung reaksyon niya, nakikita ko na yung guilt sa mukha niya.
“Kasi naman, lagi na lang akong nasasaktan. Alam mo bang nakakasawa Andrew? Tapos, kung sino pa yung taong pinakamahal ko, siya pa dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sabi mo noon, hindi mo ako iiwan. Pero anong ginawa mo? Si Ayisha yung pinili mo. Hindi ako. Tapos ayun, sabi ng magaling mong Ayisha, puntahan daw kita sa gym. Ako naman tong uto-uto pagdating sayo, pumunta. Akala ko pa naman, magkakabati na tayo, pero things get worst. Anong nakita ko? Naglalaplapan kayo ng malanding yun. Ang sakit Andrew. Eto?” tinuro ko yung puso ko. “Pira-piraso na, wag mo naming durugin pa.”
BINABASA MO ANG
Love Isn't Just For Me
Roman pour AdolescentsAila Mercado. A typical teenager who's been cheated by the one she loves. By that time, she promised herself that she won't fall in love again. Here comes a boy who changed her ways. She broke her own promise, she fell in love again. But love seems...