“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah” sigaw ko.
Tinakpan niya yung bibig ko at ni-lock yung pinto.
“Anong ginagawa mo dito? Ha? Paano ka nakapasok? Magnanakaw ka noh? O baka naman balak mo kong rape-in! Tulong! Tulong! Tulungan niyo ko!” sabi ko.
“Manahimik ka nga dyan. Tsaka di kita type. Ang panget mo.”
Grrrr! Ang kapal ng mukha nito! Porke’t gwapo gumaganito na. Inis!
“Mukha mo! Lumayas ka dito!”
“A-yo-ko.” Pagmamatigas niya.
“Sorry ka. Kwarto ko ‘to eh.” Sabi ko naman.
“Well, sorry ka din. From now on, I’ll be living here, with you.” At ngumiti ng nakakaloko.
“Whatttttt????”
Nahihibang na ata siya? Over my dead body, di ako titira kasama siya!
“Hahahaha.” Okay, bakit siya tumatawa? “Kidding. Ang sarap mong asarin! Nakita mo ba yung pagmumukha mo? Mukha kang aso!! Hahahahahaha.”
Oh my gosh! Tinawag nya kong aso?? Sorry God, inuubos nya pasensya ko!
“Tatawagin ko sila Mama! Lumayas ka dito!” pinagsasapok ko siya sa ulo.
“Aray. Aray! Stop it! Pinapasok nila ko.” Sabi niya.
Huh? Tama ba ko ng rinig? Pinapasok siya nila Mama? Ano??? Ang labor in ng mga magulang ko eh. Sila na nga nagsabi na wag akong magadadala ng lalaki sa bahay, tapos ngayon, sila pa nagpapasok ng lalaki sa kwarto mismo ng anak nila! The heck?
“Sabi ko sa kanila, gagawa tayo ng miracle.” He said smiling.
“Mi-miracle?..” tanong ko.
“Oo? Di ba gusting gusto mo nga gumawa-”
Di na nya natuloy yung sasabihin niya, I slapped him.
“Aray!”
“Bastos ka! Lumayas ka dito!” pinagtatabuyan ko na, ayaw pa ring matinag. What’s with him?
“Aray ha!”
“Manyak ka! Alis, alis. Shooo!”
“Green-minded ka masyado. Napaghahalata talaga na gusto mo eh.” He said while smirking.
Arggggh! Ano bang nagawa ko sakanya at ginaganito ako? Lord, please. Kunin nyo na siya.
“Ikaw yun! Pervert!”
“Hahahahahaha.” Oh jeez. Tumatawa na naman siya. Galing ata ‘to sa mental, tumakas at nandito para hawaan ako ng kabaliwan niya..
“Anong nakakatawa?”
“Anong ano? Sino ang nakakatawa!” sabi niya.
Baliw na talaga ‘to. Please save me..
Nagtataka na ako. Kanina pa ko sigaw ng sigaw yet wala pang dumadating na Mama at Papa para i-check kung anong nangyayari sakin. Ano ba yan??
“Tanga. Green-minded ka kasi kaya ako tumatawa.” Sabi niya.
“Baka ikaw. Tsaka sabi mo kasi.. mi-mira..” ayokong ituloy, nakakahiya. Lalaki ‘tong kasama ko noh.
“What?” tanong nya.
“It’s.. Argh! What do you mean when you say Mi-miracle?” I asked.
“Ah!” he smiled. “I told your parents that I’ll be making you a YM account.” He’s laughing again.
“Putek naman Andrew!! Ang layo ng YM sa Miracle!! I hate you!” sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Love Isn't Just For Me
Teen FictionAila Mercado. A typical teenager who's been cheated by the one she loves. By that time, she promised herself that she won't fall in love again. Here comes a boy who changed her ways. She broke her own promise, she fell in love again. But love seems...