Chapter 31

189 3 1
                                        

Pagkasing ko, nasa kama na ako. Inikot ko yung mata ko. Wow. Ang ganda ng view sa may bintana. Makikita mo kaagad yung beach. At yung araw, the best.

Tumingin ako sa wall clock. 3PM.

“Sarap ng tulog mo ah?” nagulat ako ng biglang may masalita. Si Drew lang pala.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Masama bang tignan ka matulog?” ayan na naman siya. Parang yung kaninang umaga. Psh.

“Whatever. Gutom na ako.” Pouts.

“Tara na sa labas, may meryenda dun. Hulaan mo kung ano. Niluto ko para sayo.” He said smiling.

Nag-isip naman ako. Turon kaya yun? Wow. Excited na ako. omo!

Tumayo na kami pareho at nagsimulang maglakad papunta sa kusina. “Turon ba yun?” excited kong sabi.

“Paano mo nahulaan?” kamot-kamot niya pa yung ulo niya. Aba? Ginagawa akong tanga nito eh. Syempre fave ko yun!

“Psh. Syempre, alam mo namang yun paborito ko eh.” Nakarating na kami sa kusina. Kumuha ako ng isa at kinain ko. Ganoon din ginawa ni Drew.

“Masarap ba?” he asked. Nagnod na lang ako dahil puno pa yung bibig ko. Ngumiti naman siya. “Mabuti nagustuhan mo.”

“Sarap! Pati, lahat naman ng turon masarap para sa akin eh.” I said teasing him. He laughs.

“Asan sila?” pertaining to Jeanne, Paul, Ira, Nico and Mich.

“Yung Charlie’s Angel with Demon, nandoon na sa beach.” Sabi niya habang kumukuha ng turon.

“Ha? Sinu-sino yun?” tanong ko naman. Sino nga ba yun? Pati ngayon ko lang narinig kay Drew yun eh.

“Edi si Jeanne, Ira at Mich. Kasama yung Demon na si Nico. Hahaha.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Sila pala yun. Wow. Gandang grupo ah?

“Eh si Paul?”

“Di ko alam dun. Lumabas eh, baka nagreready na.” napangiti ako. Naisip ko, eto na yung pinakahihintay ni Bok. And she deserves it.

Pagkatapos naming magsnack, dumiretso na kami sa beach. Wow. Yung sand, hindi siya buhangin, it’s somewhat artifial. Shells yung parang sand niya.. Althogh ganon, maganda pa rin. Pati enjoy naman lalo’t kasama ko sila.

Nagswiswimming na silang apat, si Drew pati yung Charlei’s angels and demon. Haha. Ako naman, naglalakad lakad lang, namumulot ng shells. May collection kaya ako nito! Sabi ni Drew, sasamahan niya na daw ako, pero ayoko naman na masira yung bakasyon niya ahil lang sa akin. Pati ang totoo, hindi ako marunong lumangoy.. Hindi nila alam yun, ayoko sabihin eh. Hindi ko alam kung bakit.

Nang mapagod na ako sa kakapulot ng shells, naupo muna ako, pinanood ko silang maglaro. Kahit na nandito lang ako, napapangiti pa rin ako. Ang saya kasi nilang tignan.

May tumapik sa balikat ko. Si Paul. Ngumiti ako at tumabi siya sa akin.

“Ang saya nilang tignan.” Sabi niya habang nakatingin kila Drew.

“Oo nga eh, bakit hindi ka sumali?”

“Ayoko naman na sumali dun, para magpakasaya. Mas mabuti ng samahan kita kahit malungkot dito.” Oo nga pala, alam niya na hindi ako marunong lumangoy. Alam niya kung bakit.

Binatukan ko nga. “Ang sama! Ibig sabihin, malungkot ako kasama?”

“Eto naman, syempre, dadamayan kita. Kasi mahalaga ka sa akin.” I look at him. He held my hand.

Love Isn't Just For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon