Chapter 34

16 0 0
                                    

Chapter 34

Nakakainis!! Grrrr! Malamang kinocontact na ako ni Drew ngayon. Paano ba naman ang tanga tanga ko lang dahil nakalimutan ko yung phone ko sa bahay!! At guess what, isang linggo na kaming nandito sa Bulacan hindi ko man lang nasabihan sila Drew, kahit nga si Jeanne. Nako nako, nakakafrustrate na!

Ayaw naman ipahiram ni Mama yung phone niya dahil wala naman daw silbi at walang signal. Anak naman kasi ng tinapa bakit ganto yung napuntahan namin e!! bakit nga ba?!

Ayun. Konting flashback lang, diba nga nakauwi na kami galing outing at sobrang pagod ko nun. Hindi na nga ako nakareply sa text ni Drew sakin! Kinabukasan an gaga akong ginising nila Papa at aalis daw kami, magprepare na daw ako within 15 minutes!! Yung totoo?

So yun nga, wala nakong nagawa. Nag-ayos na ko. Sa sobrang pagmamadali nakalimutan ko yung phone ko. Nakakainis!! Ang mas lalo pang nakakainis e hindi man lang sinabi sakin na magtatagal pala kami dito. Jusko, sang lupalop ba ako ng Bulacan naroroon? Wala man lang signal or internet, argh!!

“Ma.. parang awa mo na, ihanap mo ko ng internet shop or anything para macontact ko sila Drew.” Pagmamakaawa ko.

“Anak, nakikita mo naman kung gaano kalayo yung bayan dito.”

Hay. Ayun nga, nandito kami sa bahay, or sige, let me rephrase it, masyon slash hacienda slash may sarili silang swimming pool ng matalik na kaibigan ng Papa ko. Oo, ang yaman nila infairness pero internet o signal wala sila?! Duh.

“Ma, ang yaman nila bat wala silang internet man lang?” tanong ko naman. Obvious naman na parang sinadya nilang napakalayo sa civilization ng rest house rather mansion nila.

“Para kapag nagbabakasyon sila, walang istorbo.” Yun lang sabi ni Mama. Magandang katwiran pero paano kapag may importanteng tawag na kailangan palang sagutin? Edi hindi nila masasagot dahil sa gusto nila peaceful ang bakasyon nila? Hindi ko talaga maintindihan.

Tumigil naman na ako kakatanong. Lumanghap nalang ako ng sariwang hangin na di ko magawa sa Manila. Isang linggo na kamo ditto pero ni minsan hindi ko nakita yung anak nung best friend ni Papa. Malamang sa sobrang laki ng mansion nila hindi talaga kami magkikita, pati hindi ata lumalabas ng kwarto niya yun. Hay nako pake ko ba sakanya.

Naiinis talaga ako. Galit na siguro si Drew sakin. Hayyy.

Nakaupo lang kami sa damuhan ni Mama nung bigla nyang ipaalala sakin yung ayaw kong maalala. “Nga pala, anong susuot mo bukas?”

Anong isusuot? Okay lang ba si Mama? Eh ni hindi na nga ako ang nag-ayos ng mga damit ko papunta dito dahil biglaan, tapos yung mga pinagdadala pa niya, jusko hindi ko kayang suotin!! Grabe! Tsaka, oo nga pala, may paparty bukas yung bestfriend ni Papa. Okay, si Tito Fred. Marami daw pupunta kahit sobrang layo ng lugar na ‘to. Sikat kasi siya dito, kahit hindi pulitiko, naglilingkod sa mamamayan. Sobrang bait para ipamigay lang yung ekta-ektarya niyang lupa sa mga trabahador niya, diba? Sabagay kaya sinuswerte sila kasi nagsshare din naman sila ng blessings.

Okay back to my problem, hindi ko alam isusuot ko. Pwede bang jeans nalang at shirt? Bat ba kailangang magbihis e nasa probinsya naman..

“Alam ko na!! Dinala ko yung paborito mong dress, yun na lang.” bigla naman akong natuwa nung nalaman ko yun, at last may maisusuot na akong gusto ko.

“Kelan ba tayo uuwi ma?” tanong ko. Kasi honestly, kahit ang sarap tumira dito eh hindi ko na kayang tumagal pa.

“Sa sunday.” Thursday ngayon, bukas ang party. Ang tagal pa. hindi ba pwedeng mismong pagtapos ng party?!

Nakita siguro ni Mama yung pagkadismaya ko. “Aila, masyado mong namimiss ang syudad, sulitin mo na rito, minsan lang naman ‘to.”

Nagnod nalang ako kay Mama. Sabi ko maglilibot muna ako, may malaking garden sila dito at hindi ko pa yun napupuntahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Isn't Just For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon