Chapter 27

153 3 0
                                    

Andrew’s POV

Masaya ako ngayon. Masaya ako kasi, binigyan ako ng chance. Masaya ako kasi katabi ko ang mundo ko, ang babaeng pinakamahal ko. Thinking of her keeps me awake. Dreaming of her keeps me asleep. Being with her keeps me alive.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa bintana. Ano kayang iniisip niya? Nagsisisi ako, na nasaktan ko yung babaeng nagbigay buhay sa akin. Sus. Okay madrama na kung madrama, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Pero seryoso, hindi ako makikipagbreak sa kanya, unless siya na lang ang may sabi, ayoko naman na matali siya sa akin. Kung magkabalikan man kami ngayon, at dumating yung time na hiwalayan niya ko, papayag ako. Kahit na alam kong masakit.

Siguro iniisip niyo kung bakit ko nasabi yun, syempre. Di niyo naman masisisi si Riz na baka sa susunod na araw, makipagbreak na sa akin. Sa mga ginawa ko sa kanya? Hindi imposible. Pero, gusto ko lang naman na sumaya siya. Hindi naman makikipagbreak ang tao kung masaya pa siya sayo diba?

Basta, inuunahan ko lang yung mga alam kong mangyayari. Alam ko. Alam kong mangyayari.

“Bakit mo ko tinitignan?” nagising ako sa pag-iisip ko. Si Riz.

“Ang ganda mo kasi, ang sarap mong tunawin.” Sabay ngiti ko.

“I hate you!” haha. Nagblush kasi siya. Nako. In love talaga ‘to sa akin eh!

“Wag kang mag-alala, ikaw lang ang tititigan ko.”

“Halimaw!” bigla ba naman akong sinampal! Akala siguro nung mga pasahero, manyak ako! “Tititigan? Eh bakit si Slut na halikan mo na? manyak ka!” Grabe. Oo na, pahiya na ako dito. Ang lakas ng boses ni Riz, potcha. Pero nakakatawa, nagseselos siya. Sige, ako na ang bad. Ako na nahalikan si Slut. Slut = Ayisha.

Tinigilan ko na siya, kaya tumigil na din sa kakabatok sa akin. Nakatulog siya, kaya dinantay ko yung ulo niya sa balikat ko.

Nakarating na kami sa lugar na sinabi kong mapapa-wow siya. Ewan, alam ko naman na nakapunta na siya dito eh. Pero mababaw lang si Riz, kahit alam o meron na siyang ganon, maaapreciate pa din niya. Kaya mahal ko yun eh.

“Dito?” tanong niya sa akin.

“Oo. Bakit? Ayaw mo ba?” yumuko ako. Okay.Malipala ako, hindi niya maaapreciate to. Tsk.

“Nakapunta na ako dito eh.” Oo na Riz, ako na palpak.

Hindi ako umiimik. Pahiya na ko, wala ng chance!

“Tara! Masaya dito eh!” hinila niya ako at bumili siya ng ticket. Ay. Minus pa Andrew, siya pa bumili ng ticket!

“Akin na, ako magbabayad.” Sabi ko. Lalaki naman dapat magbayad sa date eh. Teka? Date? Oo! Date namin to!

“Wag na. bayad na eh, mukha namang wala kang pera.” Pang-aasar niya. Nako. Mas madaming akong pera sayo! Pero sige, nagtitipid ako eh. Hahaha.

“Basta, kung may gusto ako, bibilin mo ah?” sabi niya. Oo na, nagtitipid ako para sa mga gusto mo. Letse. Haha.

Di ako umiimik. Kaya nagsalita ulit siya.

“Oy! Joke lang yun. Hindi ako nakukuha sa mga ganon eh, haha.”

“Oo na boss,tarana?” inoffer ko yung kamay ko.

Kinuha naman niya. Hay, ang sarap sa feeling hawakan ang kamay ng taong mahal mo. Heaven! “Tara!”

Sa Enchanted Kingdom kami pumunta. Layo ‘no? okay lang. masaya dito eh!

“Anong ride ang una?” tanong niya. Sa totoo lang, kahit ano. Kahit alam kong may phobia ko sa mga yan, basta kasama ko si Riz. Oha, sweet.

Love Isn't Just For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon