KATHRINE POV
New transfer ako dito sa manila, galing ako sa Quezon province kung saan ipinanganak ang papa ko, mas nauna sila ng kuya ko dito sa manila kasi College na siya, at kaya kami sumunod na ni mama dito dahil mahihirapan daw si papa na dalawa ang bahay na binabayaran niya ng mga tubig, at kuryente. Hindi naman kami kasi ganon kayaman kung tutuusin, kumbaga simple lang. Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko parin sa probinsya kesa dito sa Manila kung bakit pa kasi naisipan pa ni papa na dito na kami magstay, wala naman akong magagawa anak lang ako parents ko sila. Teka teka firstday of school ngayon diba? Nakuuulate na ako kaylangan kong magmadali.
Nang malapit na ako sa school buti nalang pala walking distance lang itong school namin sa bahay, 5 mins nalang magriring na yung tumatakbo na ako para hindi ako mapagalitan, mahirap pa namang malate lalo na firstday of class hindi ko pa alam kung ano ang mga ugali ng mga teacher dito ng biglang may nabangga ako, habang pinupulot ko ang libro kong hawak dahil hindi kasya lahat sa bag ko, lalaki pala ang nabangga ko nakita ko lang ang sideview ng mukha niya, yung buhok niya nakasideview mejo matangos ang ilong, at higit sa lahat gwapo hay ang gwapo niya.
"sorry hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh sorry talaga" pero hindi niya ako kinibo, ni tulungan ako sa pagdampot ng gamit ko hindi niya ginawa sayang gwapo pa naman pero suplado naman.
Ako nga pala si Kathrine Rodriguez isang transfer student, hindi ako magaling yung tipong kahit na anong gawing piga ko sa utak ko wala talaga pero awa ng Diyos pumapasa naman, pero minsan pasang awa, pero may pangarap ako ang maging teacher kaso yun nga lang minsan tinatawanan ako saamin noon dahil bakit raw ako magtiteacher kung tatangan tanga ako ke multiplication raw sumasablay pa raw ako bobita nga ang bansag nila sakin doon sa school kung saan ako galing at for sure ako dito din.
MICHAEL POV
May nakabangga ako kanina ang bilis ng takbo niya isang babae, pero ibang klase kung tumakbo nakatingin ba naman sa baba, ginagamit niya kaya ang utak niya na may posibilidad na may makabangga siya pag ganon? nakakainis pa naman ang ganon, lalo na nakakainis kung tatanga tanga ka ano yun nasa siko ang utak niya tsss, mga tao nga naman.
Ako si Michael top 1 lagi sa klase, maraming nagsasabi na gwapo ako, at higit sa lahat matalino, kumbaga nasakin na raw ang lahat pero hindi lang nila alam.
BINABASA MO ANG
Tanga Meets Matalino(complete)
Teen Fictionsi kathrine ay isang tanga mahina sa mga subject niya at lahat ng subject niya ay pasang awa lamang lumipat siya ng school sa manila eto ang Siena University. Si Michael ay top 1 sa kanilang klase walking encyclopedia hindi na niya kaylangang magrev...