KATHRINE POV
ano yun san ko ba nahugot yung mga pinagsasasabi ko dun, hay ang corny tsaka baka mamaya resbakan pa ako nun, mamaya pagsasabunutan ako o kaya buhusan ng asido sa mukha, JUICECOLORED wag naman sana hindi naman siya siguro ganon kasama. Pero ayoko lang naman na may nasasaktan, masakit kayang masaktan lalo na naranasan ko na, ang ideny kang girlfriend ka sa maraming tao, sakit kaya non kalalaking tao walang bayag.
"oi oi oi san ka pupunta? aba sabay tayong uuwi at bago tayo uuwi diba sabi mo libre ko lahat ng miryenda mo? So halika miryenda tayo?"at nakaakbay pa siya sakin habang niyayaya niya ako.
"aba bumait ang masungit ha?"sabay tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin pero umakbay ulit siya.
"eh diba friends naman na tayo and salamat kanina wag mo nalang isipin na mabait ako para wala kang masasabi, diba?"
"oo nga naman kathrine kelan ba babait ang isang masungit, pasensya lagi kasing nasa siko ko ang utak ko." at bigla niya akong binatukan
"kausapin ba ang sarili? Andito na nga ako ayaw mo pa akong iconsider."
"hindi ka kasi masarap kausap, mukhang istatwa lang na nagsasalita hindi marunong ngumiti, tara na libre mo na ako ng jollibee gusto ko palabok na double chicken ha tapos gusto ko rin ng jolliehotdog at fries ok?"
"matapos mo akong insulto insultuhin ayoko na hindi na kita ililibre."
"edi sige pupuntahan ko nalang si Kate baka andun pa siya tapos sasabihin ko sakanya ang totoo." pananakot ko sakanya
"oo na magtigil kana jan." sabay kaladkad niya sakin
"kung may kaladkad gang na uso ngayon mapagkakamalan kitang kasali don pangat--." tinakpan niya ang bunganga ko.
"aray ko."
"eh nananakip ka ng bunganga eh at ilong edi hindi na ako makakahinga, paano pala kung may sipon ako edi kadiri ahaha."
"so tatawa na ako niyan? korny mo kahit kelan magpatawa ka yung mapapatawa mo naman ako."
"sus himala na pagganon."buti nalang walking distance lang ang jollibee sa school namin kaya nakarating na kami.
Nang makaorder na kami
"so ano san mo hinuhugot yang sinabi mo kanina? sabihin mo na para fair at nagsabi na ako ng problema ko sayo kaya ikaw naman ang magshare ngayon."
"syempre nagmahal narin ako noh pero idineny niya kasi ako kaya ayun sabi niya friend lang raw niya ako eh hindi naman totoo yun kaya syemore kahit simple lang masakit parin yun noh, ako proud na proud sakanya samantalang siya pala hindi proud sakin.
"ang babaw engot ka talaga."
"heh ewan ko sayo pasalamat ka nga tinulungan kita kanina noh, kung hindi hindi ka parin tatantanan nun."
"change the topic, alam mo naman siguro na napili akong escort ng section natin diba? so ano marunong kabang kumanta? pwedeng ikaw ang kaduet ko?"
"ha? bakit ako?"
"sabi kasi ng kapatid mo marunong kang kumanta kaya ikaw nalang wag kanang magtanong ok? practice tayo kasama ang banda."
"pwede namang iba nalang wag nalang ako."
"ayoko gusto ko ikaw no erase period."
"tss no erase period daw ayoko no erase period pinadlock ko na tapon susi."
"ha ano? ang gulo mo may sayad ka talaga."
"eh ayoko nga eh bakit kaba namimili."
"sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang partner ko."
"pero---"
"walang pero pero." hanggang sa wala na akong nagawa, siya nanaman ang nasunod.
BINABASA MO ANG
Tanga Meets Matalino(complete)
Teen Fictionsi kathrine ay isang tanga mahina sa mga subject niya at lahat ng subject niya ay pasang awa lamang lumipat siya ng school sa manila eto ang Siena University. Si Michael ay top 1 sa kanilang klase walking encyclopedia hindi na niya kaylangang magrev...