chapter 1

8.4K 119 10
                                    

KATRINE POV

Buti nalang umabot ako sa tamang oras at magiintroduce palang yung teacher.

"class meet your new classmate Kathrine Rodriguez transfer from Quezon Province introduce yourself Miss Kathrine."

"hello everyone a-ako nga pala si Kathrine Rodriguez transfer from Quezon Province." hindi naman kasi ako talaga ready to introduce myself eh ano ba yan fail ginaya ko lang sinabi nung teacher eh

"sus inulit lang ang sinabi ni Ma'am eh" may biglang sumabat, teka siya yung nakabangga ko kanina ahh

"excuse me Michael what are you talking about?" tanong sakanya ng teacher hmmp ang antipatiko naman netong isang ito.

"I said ma'am she only reapeted what you said" eh ano naman kung nireapet ko eh sa hindi nga ako handa, eh kasi naman Kath bakit mo naman kasi inulit ang sinabi ng teacher mo baka matawag ka nanamang tanga eh, pasalamat ka gwapo ka .

"take you seat Kathrine tumabi ka nalang kay Michael dahil yan nalang ang bakanteng silya dito." tumango lang ako at umupo na ako.

"hi ako nga pala si Kathrine, Kath for short, ikaw ano name mo?"

"narinig ko kanina ang sinabi mo sa harap tapos inulit mo pa ngayon ginaya mo na nga yung sinabi ng teacher kaya klarong klaro sakin ang pangalan mo, pero ang pangalan ko hindi parin ba klaro sayo diba sinabi na ng teacher kanina, kaya wag mo ng tanungin."

"ang sungit mo naman para nakikipagkaibigan lang." at umupo na ako sa upuan

"dito na ako uupo ha?"

"eh san kaa uupo kung wala ng bakante diba? so edi jan lang talaga." oo na ikaw na ang pinakamasungit sa buong mundo

"sungit" pabulong kong sabi

"what?"nagtataka niyang sabi

"wala"

aanhin mo naman ang kagwapuhin kung ang ugali mo pangit naman. Kung hindi ko pa nababanggit pinagsama ang lower section and highest section dahil konti lang ang 2nd year na pumasok raw sa school na ito ngayon, kaya ang mga tanga na tulas ko mas lalong madidikdik ang ulo at pagtatawanan ng mga matatalino na tulad netong katabi ko, paano ba naman kasi, nadodrawing lang siya sa notebook niya at pag tatanungin siya ayun tuloy tuloy pa kung sumagot ano yun kasize niya ng utak si Albert Einstein, samantalang ako eto kung totoo ngang nakakadugo ng ilong ang english, hindi lang siguro dugo ng ilong ang abot ko ngyon pati utak ko dumudugo narin.

Buti nalang at recess na, ano ba naman dito sa school na ito Filipino lang ata at History pwedeng magsalita ng Tagalog, halos lahat english, pero kung sabagay kung ang math itinagalog "parisukat ugat ng ekis itinaas sa kapangyarihan ng sampu", o diba mas nakakadugo, waley diba? nabasa ko lang kasi yan.

"hi ako nga pala si Grace eto si Harold, si Ivan at si Tiffany, pwede ba kaming makiupo sayo?"

"oo naman. ngumiti ako sakanila

"hayaan mo na yung si Michael na yun ganon talaga yun suplado" sabi ni Tiffany

"start now kaibigan mo na kami ha kami kami lang din naman kasi dito ang magkakaibigan don't worry hindi kami tulad ng iba na masyadong mataas sa sarili" si Ivan naman ang nagsalita

"pag may nangapi sayo kami na ang bahala ni Ivan safe ka samin" si halot naman ang nagsalita sabagay mukha naman silang mababait

"so start now tayo na ang magkakasabay na magmiryenda maylunch pwera dinner ok?"

"salamat" yun lang ang nasabi ko kasi syempre nahihiya parin naman ako, meron naman ako nun, pero thankful narin ako at may friends narin ako dito.


Tanga Meets Matalino(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon