Chapter 43 [Silly Princess]

98 2 0
                                    

(AuthorsNote; Na-edit ko na ung ibang parts ng story, you must read it kasi iba na ung mga tauhan, ung mga tagpuan baka malito kayo in the end. i've decided na i-edit ito dahil sobrang gulo ng story, naisulat ko kasi 'yun nung 13 yrs old pa ako. bwahaha! so funny tas ang corny ko pa nun (hanggang ngayun din yata) errr. <3)

XOXO

forgetting dreamer

Chapter 43 [Silly Princess]

Patricia Melan Cruz's POV

Dati hinihiling ko na sana ang panaginip ko ay maging totoo, na sana mangyari ito sa totoong buhay dahil napapasaya ako nito sa bawat oras na naaalala ko ito.

Pero ngayon hinihiling ko na sana magising na ako sa reyalidad ng buhay sana maging panaginip na lang ang nangyayari sa panaginip ko, sana manatili na lang siya bilang isang panaginip

*Spongebob square pants... Spongebob... square pants! yey* nagising ako sa isa nanamang panaginip. Nagising ako sa ingay ng TV sa paligid ko.

"Ano ba! patayin nyo nga 'yang TV natutulog ung tao eh" sinigaw ko ito sa taong nagbukas ng TV sa kwarto ko, sinubsob ko ang muka ko sa ilalim ng unan

"Wake up my dear, Breakfast is ready come on!" niyugyog niya ang kama ko at hinatak ang kumot na nakapalupot sa buo kong katawan. Dahilan para magising ako

"Anak ng teteng naman oh, napakabastos mo naman" hinagis ko ang unan sa muka niya, sino ba naman ang hindi maiinis sa mga ganung gawain ang taong mangigising sayo. 

"Ang bastos naghuhubad" sagot niya sakin at nilakasan niya pa ang volume ng tv ko, inaasar nya yata ako eh. Umagang umaga panira ng araw

"HOY ANAK NG PAGONG NAPAKASLOW MO NAMAN DIBA SABI KO SAYO NATUTULOG 'YUNG TAO" sinigawan ko na siya dahil baka hindi niya ako madinig sa sobrang lakas ng volume ng tv

"HINDI AKO ANAK NG PAGONG BAKA IKAW ANAK NG TIPAKLONG" sinigawan niya din ako kagaya ng pagsigaw ko sa kanya. Tumayo ako at kinuha sa kanya remote control ng tv ko at pinatay ito.

"Teka nga lang, bakit ka ba nandito umalis ka na nga, kung pwede wag ka ng babalik" tinulak ko siya sa magkabilang balikat mabuti na lang nasa likod niya ang kama ko kaya hindi siya napaupo sa lapag kundi sinapo siya ng kama ko 

"Ganyan ka ba manTrato ng bisita?" inaasar niya ba ako or binubwisit ako ng pagong na ito, sa sobrang inis ko naihagis ko ang remote control sa sahig

Nagkalasog lasog ang parts nito sa lapag kung saan hinagis ko ito. Hinihiling ko na sana siya na ung remote sana mawala na siya sa buhay ko.

"WALA KANG PAKE, GET OUT OF MY ROOM BITCH!" hinatak ko ang kamay niya palabas ng kwarto ko pero hindi siya nagpapahatak ayaw niyang lumabas sa kwarto ko

"Ano ba emdhi napakaStupid mo lumabas ka na nga baka mahawa pa ung kwarto ko sa sama ng ugali mo" binitawan ko siya at napaupo siya sa lapag, wala na akong pakelam kung nasaktan ba siya basta ang ekportante wala siya sa paningin ko.

"Ayoko! A. YO. KO." tinitigan ko siya ng masama pero parang wala pa ring epekto sa kanya, manhid ba siyang tao o baka naman bulag kasi parang wala siyang nakikita.

"Ayaw mo ba talagang umalis diyan o baka gusto mong sapilitan?" tinanong ko siya. Kung ayaw niya talagang umalis at ayaw niyang sundin ang gusto ko mapipilitan akong gumamit ng dahas.

"Hindi ako aalis dito sa ayaw at sa gusto mo, hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakikipagsundo saakin" oo pinipilit niya akong makipagkasundo sa kanya.

"Hindi ako makikipagkasundo sa isang traydor na katulad mo ano ba ito arranged marriage lang ampeg?" umalis ako sa harap niya at hinanap ang bagay na gagamitin ko sa dahas para umalis siya sa kwarto ko

I'll be your Prince if you'll be my Princess. ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon