Oo. Hindi.

167 2 0
                                    

Ngayon ko lang napagtanto
kung bakit nabibigo ang tao.
Kung bakit kelanga'y may dumating,
At kalauna'y mawawala rin.
Kung bakit kelangan ko na umiyak para matuto.
Kung bakit hindi naging 'Oo' ang sagot sa panalangin ko.

Tadhana. Ang bawat saglit daw ay tinadhana.
Ang bawat pangyayari raw ay may nakatagong dahilan.
Maaari na hindi mo ito makita.
Maaari rin na piliin mo na di ito makita.

Oo. Hindi ang sagot nya.
Oo. Hindi ko matanggap.
Oo. Hindi nangyari ang gusto ko.

'Hindi ako makapaniwala.'
Hindi mo mapaniwalaan ang isang saglit na di mo inasahan.
Nagtanong ka.
Nanalangin ka.
Ang sagot nya ay magtiwala ka.
Pero sa huli'y pinili mo'ng sisihin sya.

Mahaba na ang iyong nilakbay palayo sa kanya.
Sa una'y nakalimot ka.
Sa una'y naging masaya ka.
Pero sa huli'y walang liwanag na nakita.

Malayo ka, pero isang hakbang lang ang layo nya.
Nakatalikod ka, pero isang unat lang nya handa ka niyang saluin oras na madapa ka.
Tumalikod ka, pero sadyang malakas ang pagmamahal na taglay nya.
Nabigo sya, pero hinihintay nya parin na manumbalik ka.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Sana piliin mo'ng makita ang dahilan.

04.16.17

Simple RemindersWhere stories live. Discover now