Prologue

4.8K 76 3
                                    

PROLOGUE

Aim to be top again.

Yan ang panuntunan ko sa buhay. Lumaki ako sa mundong laging nakamasid ang maraming tao. Lalo na ang pamilya ko na kilala sa buong bansa kaya ayoko silang biguin.

Dahil sa ganitong pamumuhay, nasanay na akong maging casual sa lahat ng bagay. Walang babangga sakin sapagkat saan mang aspeto, walang nakakatapat sakin.

Sabi nga nila, Ang ilaw ng kasikatan ay laging nakatapat sa akin.

I'm Justin Christoffer Tolentino. And Hey! Don't forget, I'm Mister Top!

------------------------------------------------------------

Sino kaya ang hindi naghahangad na manguna sa lahat ng bagay?

Sinong hindi nangangarap na tingalain ng marami?

Sinong hindi naghahangad na mapasakanya ang lahat?

Syempre halos lahat ng tao iyon ang gusto, kaso, mahirap naman atang makamit yon.

Kailangan mo pa ng swerte para mangyari yon. Tsk. Asa ka namang iikot sayo ang roleta ng kapalaran. Bakit ayaw mo pang makuntento sa kung ano ang meron ka?

Hi, I'm Tristan Umali, ang dakilang bottom ng sambayanan. Maliban pa rito, tinagurian din akong freak.

Palibhasa kasi kulelat ako sa mga bagay na trending.

Kasalanan ko bang mahirap lang ako?

Pasalamat nga ako dahil nakapag aral pa ko sa napakamahal na pribadong eskwelahan na to.

Nagtataka kayo kung bakit mister bottom asar sakin? Well, abangan nyo ang kwento ng buhay ko

-----------------------------------------------------------------

Hey, I'm Mr. TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon