Chapter 11 - Change is Coming

1.5K 42 1
                                    


Chapter 11 - Change is Coming

Tristan's P.O.V.

Gustuhin ko mang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan, ay hindi naman mangyayari. Sino ba naman niloko ko? Sarili ko lang di ba. Nandito ako para mag aral, hindi para magpaapekto sa eskandalong kinaharap ko.

At kahit na araw araw...paulit ulit na senaryo na lang ang nangyayari sakin. Papasok, tutuksuhin, mag aaral, tutuksuhin. Nakakasawa na.

Gusto ko mang sumuko na sa laban ng buhay na to, hindi naman maaari. Inaalala ko ang pamilya ko. Kailangan kong malagpasan ito. Makapagtapos at mabigyan sila ng magandang buhay.

Iindahin ko na lang ang kahihiyan na dinaig ko pa ang butil ng palay sa sobrang pangmamaliit nila sakin.

Hindi lang naman dahil sa eskandalong kinaharap ko kaya nila ko minamaliit.

Pati pagiging probinsyano at mahirap ko pinupuna nila.

Paano ako nakapag aral kung mahirap lang ako. Pano ko nagkascholarship kung graduate lang daw ako sa public school. Ano daw ba binatbat ko sa mayayamang tulad nila. Hindi daw ako nababagay sa eskwelahan ito.

Sinubukan ko na ang lahat para magpakatatag at isang bagay lang natutunan ko. Sarili ko lang talaga dapat kong pahalagahan.

Nagsumikap akong mag aral.

Aral dito aral doon. Sabayan mo pa ng practice sa volleyball.

Hindi man ako official setter ng school...atleast, may scholarship pa rin ako kahit na bangko ako lagi.

Taguri sakin ay sobrang emo. Yung tipong laging may madilim na aura sa paligid ko

Bumalik ako sa dating ako. Tahimik di palaimik, at makakausap mo lang kapag may itatanong ka na related sa pag aaral.

Pero kahit ganun, nakakahabol ako sa klase. At nakakagulat na nangunguna kahit papaano.

Marami akong naririnig na masasakit na salita sa lahat ng tao dito sa school pero feeling ko manhid na buong pagkatao ko dahil nasanay na ko. Yung tipong sinasabi nilang mayabang daw ako at pasikat? Natatawa na lang tuloy ako. Hindi ko na alam kung ano ba pinaglalaban nila sa buhay at puro ako pinapansin nila.

Pagkatapos ng klase. Sa halip na maglunch. Dumidiretso ako sa may hagdanan ng building ng engineering department.

Dun sa may exit na minsanan lang gamitin ng mga estudyante. Doon, tahimik lang akong nagbabasa ng mga novels ko. Sabayan ko pa ng music mula sa mp3 na nabili ko sa halagang 150.

Anyway, andaming pagbabago ang aking nakikita.

Yung dating kaibigan ko na si Mon,

Naging di palaimik. Maski sa mga school activities, di ko sya gaanong napapansin. Hindi na din kami ganun nagkakasama gawa nga ng pangako ko kay Justin na hindi ko idadamay si Mon.

Kahit na magkaiba kami ng major course, nagkakaroon pa rin kami ng update sa section nila. Pano ba namang di malalaman.

Nandoon si Justin. Ang mister top ng university.

Lahat ng awards nasakop na nya. Laging laman ng balita mula sa mga chismosa kong mga kaklase.

Always bida eh.

Pero kahit ganon... wala akong pakielam.

Di ako intersado sa mga balita na tungkol sa kanya.

Wala namang maidudulot na maganda sakin yun.

Anyway.........kahapon, pinasali ako ng prof namin sa quiz bee, hindi ko na pinaghandaan yung event kasi alam ko naman maeeliminate lang ako.

Pero laking gulat ko na ako ang representative ng buong mechanical engineering students. At ngayon nga ay kakalabanin ko ang iba pang major courses. At isa na don si Justin na representative ng chemical engineering.

Hey, I'm Mr. TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon