Chapter 12 - Version 2.0

1.3K 38 0
                                    


Chapter 12 - Version 2.0

Tristan's P.O.V.

Bagong taon. Atlast 2nd year na ko. Nakasurvive din sa sobrang pahirap na minor subjects na daig pa major subjects

This past semester. Tumatak sa buong eskwelahan ang weak side ko. At ngayong second year na....its all about time to manage myself na baguhin imahe ko.

Thanks parin sa sponsor ko. Dahil kahit di ako nakakapaglaro ng opisyal na laro sa volleyball ay heto at may scholarship parin ako. At nakakatuwa pa rito. Naging 75,000 ang allowance ko for this 2nd year 1st sem! Wow!!! Anlaki talaga!

Pero kahit na ganon. Hindi ko pa rin ginagasta lahat. Nagpadala ulit ako sa amin sa probinsya. Alam nyo bang natutuwa magulang ko na napaayos ko na bahay namin tapos may sarili ng pwesto sila nanay na tindahan ng ulam.

Okay na rin kalusugan ni tatay kasi may maintenance ng nakaantabay.

Kaso nakakalungkot lang na hanggang ngayon, di pa rin ako nakakauwe sa amin L

Anyway.... Nagtatrabaho na rin ako. Isa akong taga ayos ng libro sa book store na lagi kong tinatambayan sa may mall hehehe.

May stall pala sila malapit sa school ko kaya dun ako nakadestino ngayon. Hehehe.

Anyway, mag eenroll ako ngayon. Dala dala ko yung form ko na may tatak na ng admin. Ipapakita ko na lang ito sa may registrar tapos Ipapacertified true copy ko pa.

Eh kaso ang haba pala ng pila.

And since di ko need pumila. Naki excuse muna ko. Syempre...direkta kasi sa loob yung papel ko. Kaya no need pumila. Eh kaletse letseng pagkakataon. Nakasabay ko pa si Justin!!

"Badtrip naman oh... Bat may nakasabay akong gaya nito?" rinig kong asik nya na pabulong.

"Asa ka namang gusto rin kitang makasabay" ang pasimple kong bulong din. haha narinig nya xD

"Hoy tristan. Ako nauna, can you kindly give a way for me? Distance please"

"Wow kapal naman ng mukha mo.... Fair ang turingan dito. Di ka VIP dito. Nakita mo namang nauna ako. Look oh. Nasa harapan ng paa mo ang paa ko. That means me first." ang singhal ko dito.

"How dare you. You don't know who I Am"

"I don't care" ang di ko pansin sa kanya. Bubuksan ko na yung pinto ng hinitak nya ko"

"Hey hey hey, I'm mister top! Treat me like a very important asset for this school"

"Wow kapal ha. Hello! Di ka anak ng presidente para bigyan ng special treatment"

"Wow ka rin ano ahh. Pano kung sabihin ko sayo na tito ko ang may ari ng eskwelahang ito"

"Ows talaga? Who cares"

"I'm serious. Tito ko talaga may ari ng school na to" oho. Seryoso sya? Halata nga sa mata nitong nanunuri

"And so? Pakielam ko. E bat di ka sa kanya magpasa ng form mo. Tito mo pala eh."

"nagpapatawa ka pala e. Mukha bang registrar tito ko?"

"Aba syempre hindi. Patola ka pala eh. Magkaliwanagan nga tayo. Regardless of status quo. Dapat fair tayo sa lahat. Kaya nga may equality di ba."

"Alam ko"

"Alam mo naman pala. So, ngayon, tingnan mo ang realidad. Nauna paa ko sayo sa may pinto. So ibig sabihin ako mauunang pumasok"

"No no no. Ako dapat mauna. Ako naunang humawak sa doorknob e!"

"Hinde, ako kaya"

"Ako sinabi eh" tingnan mo to. Kay tigas ng ulo.

"Ako kaya"

"Ako nga sinabi e"

Hay nako. Di na naman kami matatapos neto

"Hoy kayo ngang dalawa dyan. Ang iingay nyo!d Bat hindi na lang kayo sabay pumasok. Saktong nakahawak kamay naman kayo! Itong maglover na to oo."

Fuck!!!! Napababa agad kami ng kamay ng malamang oo nga. Kanina pa nakapatong kamay namin sa isat isa.

Salamat koya ha!!! Nangangalit na naman saloobin ng mayabang na mister top nato. Di nakakatuwa biro mo.

"Ikaw na mauna" sabi ko

"hinde, ikaw na. Di ba nauna paa mo kamo"

"Hinde, ikaw na sinabi. Nauna kamay mo sa doorknob di ba"

"Ikaw na"

"Ikaw na nga sinabi eh"

Kulit neto!

"Magtatalo na naman ba kayong asot pusa kayo ha! Baka gusto nyong di ko tanggapin yang mga form nyo!"

Shit!!! Nagalit samin yung registrar!!!

Ayan tuloy. Napayuko kami sa kahihiyan. Tapos yung ibang estudyante na nakapila, nagpipigil sa tawa. Hay buhay.

Gandang pagbabago ha.

Daig pa namin may regla kapag nagtatagpo kami ng mayabang nato!

Gaya ngayon, aba, kasunod ko sa cafeteria!

Komot dalawa ang pila. Magkasabay kaming dalawa. Ako sa kanang pila, sya sa kaliwa. Pag dating namin sa counter. Nakita kong isa na lang yung tuna sandwich. Oorderin ko na yun ng biglang....

"Tuna sandwich nga.."

Shit!!! Aagawan pa nya ko!!

"Ako nauna" singhal nito sakin

"Anong ikaw? Ako kaya! Di ba ate?!"

"Hindi ahh!! Di ba ako naman talaga ate ang nauna" ang may pacute pa nito. Tsss aba. Dadaanin mo pa ko sa ganyan

"Ate wag kang makikinig sa kanya. Ako unang nagsalita." ang pinaaalala ko sa ateng nagtitinda

"Hoy hindi kaya. Ako nauna!"

"Hoy mister top. Kay yaman yaman mong tao. Di ba tito mo kamo may ari ng eskwelahang ito. Bakit tuna sandwich pa bibilhin mo aber?"

"Hey mister bottom. Masama na bang magtipid? Ikaw lang ba may karapatang kumain ng tuna sandwich?"

"Hindi. Pero kung ako sayo... Ibahin mo nalang ang binibili mo. Ako nauna sa sandwich na yon."

"At bakit ko naman iibahin? Eh sa tuna sandwich ang gusto ng tyan ko eh"

"Akin yon"

"Walang sayo. Di mo pa nabibili eh"

"Mas lalong walang sayo. Nahuli kang magsabi ng order mo eh"

"TEKA TEKA NGA! KUNG MAG AAWAY KAYONG DALAWA DAHIL LANG SA ISANG SANDWICH. SHOOO!!! DUN KAYO SA LABAS. PINAGTITINGINAN NA NAMAN KAYONG ASOT PUSANG IRE. OH HAYAN! LIBRE NA YAN! MAGHATI KAYO. SHOO!!!"

FUCK!!! Nagbeast mode si ateng tindera.

Napayuko tuloy kami ng mayabang na re.

Wala kaming nagawa kundi maghati ng PANTAY. Sinukat pa talaga namin gamit ang ruler. 3.5cm pareho.

"Oh hayan. Mabulunan ka sana." ang sabi nya sakin sabay abot ng kalahati

"Salamat ha, matae ka sana!" ang ganti ko rito

"Eh ikaw, sana bumara sa lalamunan mo yang pagkain mo!"

"Ows talaga?!!! Ikaw naman, sana may lason yang parteng kinakain mo!!"

"ANO BA KAYO HA?!!!! DI BA KAYO MANANAHIMIK NA ASO'T PUSA KAYO HA!!!! NAKAKARINDI NA!!!! MAY PA MISTER TOP VERSUS MISTER BOTTOM 2.0 PA KAYONG NALALAMAN!!!! MUKHA LANG KAYONG TANGA!!! ANLALA NYONG DALAWA!!! PARA KAYONG MAG ASAWANG LAGING NAGTATALO!!! NAKAKADISTRACT KAYO!!! DUN KAYO SA KORTE MAG AWAY!!! SHOOOO!!!!!"

WHAT THE!!! at talagang sabay pang manermon tong mga estudyante sa loob ng cafeteria!!

Tsk tsk. Napayuko tuloy kami ni Justin dahil sa kahihiyan.

Hey, I'm Mr. TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon