Chapter 10 - What's On My Mind??
Justin's P.O.V.
Ilang araw ko ng napapansin ang katahimikan ng bestfriend kong si Ramon.
Bored na bored na ko sa bahay. Halos kalampagin na ko ng mommy ko sa kwarto ko
Ano na naman daw ba ginagawa kong kalokohan at kung ano ano pa.
Ano kaya nangyari kay Mon? Dati rati ay lagi yong nambubwisit sa tuwing dumadayo dito sa bahay. Pero ngayon, ala man lang paramdam. Tinext ko sya na gala kami, tinawagan ko na din sya para ayaing mag arcade pero di daw sya pede.
Kainis. Feeling ko nag iisa na naman ako.
Kaya ang ginawa ko, inistalk ko sya. Nagspy na rin ako and I found out that......lagi pala syang wala sa bahay. I tried to ask his mother pero di daw alam, akala ako ang kasama. Arghh! Ginamit pa nya talaga gwapo kong pangalan??
San na kaya yung matakaw na yon?
And then one day, natyempuhan ko syang umalis na naman na mag isa.
Aba, tinawagan ko sya kagabi, sabi nya madami daw syang ginagawa sa bahay!
Nak ng teteng, pinaglilihiman nya na ko. Kaya #JustinTheHandsomeSpy ang galawan ko ngayon.
Talagang sinubaybayan ko siya mula sa bahay nila, papunta sa di ko alam kung san mang lugaryun.
Sunod dito, sunod doon. Sinundan ko sya hanggang sa nalaman ko na dun sya sa dorm ni tristan tumatambay.
Holy shit na malupit! Dun pala sya pumupunta?!! Nakakagigil sa galit!
Nakadama ako ng hindi lang inis kay Tristan. Ngayon ay masama ang loob ko sa weirdong iyon! Simula ng makilala sya ni Mon, halos nag iba na samahan namin ng bestfriend ko.
At eto pa malupit, kapal pa ng mukha nya na makipagkaibigan pa kay Mon after that incident na malaman namin ni Mon na may sex video sya!
Fuck! Kay galing na bottom, kung sana magaling lang sya sa ganung bagay eh dapat di na sya nag aral. Mag bold star na lang sya! Yayaman pa sya!
Sa sobrang sama ng loob ko, namuo ang galit sa aking isipan. Tila inagawan na ko ni Tristan sa Bestfriend ko. Ni kamusta sa tawag, text or chat di na magawa ng bestfriend ko. Ilang beses akong pumunta sa kanila para ayain syang maglaro kami ng arcade, lagi syang busy tapos malalaman ko lagi lang pala syang nagpupunta sa bottom na yon!
Anyway.... Mabilis ang mga panahon. Pasukan na.
Maaga akong pumasok kasi nga may orientation mga first year.
Bandang 6:25 nasa school na ko. Maaga akong nagising kaya inagahan ko na din pasok, gusto ko kasing nangunguna sa klase kaya pati best in early bird eh susungkitin ko na hahahaha lol!.
Kaso. Pagpasok ko, aba, tinginan mga tao. Wow! Artistahin kasi mukha ko. And asusual pinagkaguluhan na naman ako.
Pero naputol yung kasikatan ko dahil sa.....napansin ko yung bakla na nagpanuod samin ng sex video ni tristan dun sa may KFC.
Dito rin pala sya nag aaral? Holy cow! Namutla ako sa di ko malamang dahilan.
Nakangiti lang itong kumaway sakin....and after that, puro bulong bulungan na ang aking narinig.
"Oo sya yung top na nasa may video. Promise I swear. May picture pa nga ako na kasama nyang nagdedate si mister bottom eh." Ang pagbibida nya sa mga bakla na todo pacute sa akin.
" Oh talaga gurl?!!! Wow, edi daks pala sya!! Parang gusto ko din syang matikman!" sabay kindat sakin na sinabayan nya ng pagnguso.
FUCK!! GUSTO KO SYANG SUNGAL NGALIN! KAY PANGET PANGET NYA!
BINABASA MO ANG
Hey, I'm Mr. Top
HumorHe is always on top. Wala ng ibang nakakapantay sa kanya. Gwapo, matalino, athletic, at mayaman pa. Ganyan si Justin Christoffer Tolentino. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. Kaya sya binansagang mister top. ------------------------- Si Tristan Uma...