Chapter 2 - Rape
Tristan's P.O.V
Aray! Ansakit ng ulo ko. Para akong inuugoy. Umiikot ba yung paligid?
Nang ganap ng malinaw ang aking paningin, nagtaka ako kung bakit parang puro puti ang nakikita ko? Nasan ako?
Ano bang kabulastugan ang naganap?!! Bakit parang arghhh.... Anong pakiramdam yon? Nanginig kalamnan ko sa tindi ng sakit.
Maraming tanong sa sarili ko ang hindi ko mabigyang kasagutan
"Ahem, baby...buti naman at gising ka na" ang rinig kong wika ng isang gwapong binata. Shet tang ina!!!
Ano ba nangyari?!!!
Nasa langit na ba ako? May arkanghel akong nasilayan. Pero shit... Mali ito!!!! Sana mali tong pagkakaintindi ko!!
"Na-san ako! A-ano ginawa mo sakin gago ka!!!" ang nagngangalit kong sigaw sa kanya na halos ikalabas na ng ugat ko sa sentido.
Ikaw kaya ang magising na hubo tabo tapos may kasama ka ding LALAKI na walang saplot na kung makatingin sayo ay para kang lalapain
"Nako baby, kay aga aga nagagalit ka hahaha" sabi pa nito
"O baby ka dyan?!! Sang planeta ka ba galing para matawag tawag akong baby?!!" bulyaw ko pa rito
Napangisi lang sya sa tinuran ko
"Anong nginingisi mo dyan?!! Ano ginagawa ko rito? San mo ko dinala?!!"
"Shhh.. Ingay mo naman baby" sabi nya na tinaas taas pa ang kilay
"Gago!! Wag mo kong mababy baby! Ano ginawa mo sakin?!! Bat tayo nakahubad?"
"Ano sa tingin mo?"
"ARGHHH!!!! PUTANG INA MO! BADING KA BA HA PARE?!!!!" ani ko na dinuro duro ko nakakainis na pagmumukha ng lalaking kaharap ko
"Sssh wag kang maingay... Sige ka pag may nakarinig sayo ewan ko na lang sayo kung san ka pupulitin. Sa estero? Ilog? Damuhan o baka gusto mong isilid ka sa drum? Ayaw ko pa namang madumihan kamay ko"
Ha?!! Ano daw?!!
"Hayop ka! Akala mo natatakot ako?!! Punyeta ka!!!" ang di ko na mapigilang emosyon pero ang totoo non, naduduwag ako. Ikaw ba naman makakita ng matalim na kutsilyo na pinaglalaruan lang nya. Fuck!!!
Ano ba tong gulong napasok ko? Eto ba kapalit ng 10k na napanalunan ko sa booth nila? Takte. May nalalaman pang pangingidnap! Dapat sinabi ng maaga na walang prize! Para di nako nag aksaya ng effort!
Tingnan mo nangyare sakin! Kay lalaki kong tao napagsamantalahan ng ganun ganon lang!! Sa mababaw na dahilan!!
Hayyssst
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napakuyom na lamang ako ng kamao ng maalala ko ang lahat. Napayuko akong umiiyak dahil....dahil....
Shit!!!! Hindi to maaari! ..arghhh tangna!!! Sobrang babaw talaga ng dahilan!!!
"Anong modus operandi ginawa mo ha?! Sinabi ko na sayong pwede ko namang ibalik yung 10k ah?!! Bakit kailangang pagsamantalahan mo pa kong ulol ka!!!"
Nanlulumo ako sa kinahantungan ko.
Mas matatanggap ko pang may nangyari samin kung lasing ako o ano pa mang dahilan na wala kuno akong naaalala. Pero hindi ehh!
Napabuntong hininga ako. Ano magagawa ko kung nangyare na.. Nakakalungkot lang.... Di ko maatim!
BINABASA MO ANG
Hey, I'm Mr. Top
HumorHe is always on top. Wala ng ibang nakakapantay sa kanya. Gwapo, matalino, athletic, at mayaman pa. Ganyan si Justin Christoffer Tolentino. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. Kaya sya binansagang mister top. ------------------------- Si Tristan Uma...