Chapter 6 - I'm Mister Weird

1.9K 47 5
                                    


Chapter 6 - I'm Mister Weird

Tristan's P.O.V.

Laking katanungan ko sa buhay kung paanong nangyare na nagrantyahan ako ng biyayang makapag aral sa isang sikat na pangmayamang kolehiyo sa bansa? At malala, libre!

Full scholarship daw! But......why me??? I am not well deserve for this! Di ako katalinuhan, semi above average lang naman ang IQ ko.

And Yet, kahit anong untog sa pader ang gawin ko. Kumpletong pangalan ko nga ang nababasa ko sa certificate na hawak hawak ko.

"Anak! Salamat sa Dyos at binigyan ka nya ng napakalaking biyaya!" ang naiiyak na namang si nanay

"Alam ko nay, pero naguguluhan ako, bakit ako nakakuha ng gantong kalaking pribilehiyo?? Mahirap lang po tayo pero di natin afford ang pag aaral ko po dito. Kahit na sabihin nilang libre. Pano naman po yung baon ko araw araw? School projects? Mga kung ano anong singilin na hindi mo naman alam kung para saan."

"Pero kahit na anak, sayang pa rin ito. Wag mong tanggihan. Ito na lang pag asa natin para makapagtapos ka ng pag aaral mo. Gusto naming makamit pangarap mo."

"Kahit na po inay...."

"Anak, please, tanggapin mo na to. Hindi natin alam kung baka next time, pagsisihan mo na pinalagpas mo pa ang oportunidad nato. At kung iniintindi mo ang gastos, wag kang mag alala, pagsusumikapan namin ng tatay mo na magtrabaho para makapagpadala ng pambabaon mo dun"

Ewan ko. Hindi parin nag sisink in sa ulo ko ang lahat. Naguguluhan ako at para akong aning na kinakabahan.

Baka matanggal agad scholarship ko kung hindi ako makahabol sa mga aralin? Pano ko matatapos pag aaral ko? Wala akong pambabayad. Baka mamulubi ako

Pano kung first time ko dun eh mabully na naman ako?

Pano kung may makaalam ng sikreto ko? Pano kung ganto ganyan. Puro na lang takot ang nadarama ko.

Hay ewan!!! Bahala na!!!

--------------------------------------------------------------------------------------------

Matagal ko ding pinag isipan ang desisyong ito.

Tinatanggap ko na ang scholarship na bigay sa akin.

Nagtataka pa rin ako kung pano ako nakakuha ng gantong laking tulong nato.

At gaya ng napagdesisyunan ko, lumuwas ako ng Maynila para tuluyan ko ng mapasakamay ang tulong na ito.

Mula sa ipon kong 600 pesos mula sa pagtatrabaho sa higit 2 buwan ko sa farm, nakarating ako sa isang NAPAKALAWAK AT NAPAKAGANDANG PAARALAN.

UNIVERSITY OF THE WEST.

THE PLACE WHERE THE BLUE WARRIORS LIVE.

Hay buhay. Nahihiya ako sa pananamit ko. Mukha kasing luma at gusgusin. Sabayan mo pa ng mahaba kong buhok na parang di naliligo

Nako naman tristan. Bakit kasi di ko inayos sarili ko bago pumunta dito. Ayan tuloy. Muntik na kong di papasukin nung gwardya. Bawal daw pulubi sa loob.

Tang ina, sarap konyatan ng tukmol na matabang gwardya na yon!!!

Anyway, muntik na kong maligaw papunta sa admin's office. Shet kinakabahan ako.

Pag pasok ko, inestima naman ako agad ng mga tauhan dito. They process my papers ng kay bilis na tila inaasahan nila ang pagdating ko.

"Uhmmm miss, ta-tanong ko lang po kung sino po nagpascholar po sakin?" ang nahihiya kong tanong

Hey, I'm Mr. TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon