"Sulat ng Isang Humahanga"

121 2 0
                                    

----
Ito ang tulang para sa mga nagmahal, nasaktan - kayo na magdugtong. Hehe!
----

Crush is paghanga
Yan ang depinisyon ng iba
Sa isang bagay na aking nadarama
Ngunit paano nga ba?

Araw-araw ay palihim na sulyap
Sa kung saan ka madalas mapadpad
Lihim na pagtinging nakatago sa ulap
Hanggang panaginip na lang na ika'y makausap

Sa bawat mong galaw ako'y nakatunghay
Ngiti mo'y liwanag sa 'king buhay
Tanglaw ng saya't ligayang tunay
Sa aking buhay ay nagbibigay ng kulay

Di mo man pansin aking pagtingin
Ako'y di magsasawa't nandirito pa rin
Tinig ko mang ito'y di mo dinggin
Basta't masambit nais kong sabihin

Naisin ko mang ako'y iyong makita
At tumingin diretso sa aking mga mata
Malabo nang mangyari pagka't puso mo'y may iba na
Hawak ng babaeng iyong sinisinta

Nagkamali ba aking puso sayo
Nang aking madama ang paghangang ito?
Di mo man dinggin tinig kong ito
Nais ko pa ring malaman mo

Salamat sa lahat ng iyong ginawa
Salamat kahit di mo man sinadya
Ikaw na naging dahilan ng saya
Salamat dahil nakilala kita

Mga Tulang Likha ni Miss MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon