Matayog na alapaap
Masidhing pangarap
Malalim na hirap
At bilang na pagkurap
Bagwis sa paglipad
Bibig sa paglahad
Mga kamay at palad
Na waring lipas na ang edad
Sa daang tinahak
Pagkatao’y nawasak
Nabali ang pakpak
Masakit na pagbagsak
Nagkamali nga ba ng lipad
O mas tamang ito’y nilakad
Kaysa naniwala sa ligayang huwad
At pait na walang katulad
Kasabay ng pagpatak ng luha
Ay ang tangis ng ulap at aba
Isang kapalarang di sinadya
Ang siyang pumatay sa ngiti at tuwa
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
ПоэзияThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊