Siya’y di tanyag o kilala
Siya’y simple lang at masaya
Siya’y natatangi at kakaiba
Siya sa akin ay napakadakila
Gamit niya’y di lapis at papel
Hindi rin kanbas o di kaya’y pastel
Paborito niya’y ang langit na kahel
Habang nakatunghay sa bughaw na mantel
Siya’y isang pintor at kaibigan
Siya’y mahusay at madaling lapitan
Taglay niya’ng pambihirang katangian
Tanging siya lang ang may ganitong kakayahan
Sa tuwing ako’y lumuluha
Kaniyang ginagawa lahat ng makakaya
Upang ako’y kaniyang mapatawa
Ngunit paraan niya’y sadyang kakaiba
Kung siya’y aking ilalarawan
Siya’y tagaguhit na di matatawaran
Pagka’t sa aking labi kaniyang iniwan
Ang ngiti na di mabubura ng kahit sinuman
Siya sa ‘kin ang pinakamagaling na tagaguhit
Ang aking kaibigan na tila ko nang kapatid
Kailanman siya’y di ko ipagpapalit
Kahit na siya’y mapahamak o magipit
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊