Hindi ko malilimutan
Unang beses kang nasilayan
Ligayang hatid na walang katulad
Isang daang ibong lumilipad
Nais ko mang sayo'y huwag mawalay
Gusto ko mang ako'y masanay
Parusa sa akin ay sakit at hirap
Ayaw na ika'y mawala sa isang kurap
Ngunit batid kong ika'y di para sakin
Gayunpaman ibig kong sayo'y sabihin
Aking pangako, huling sasambitin
Kahit ano pa mang mangyari sa atin
O giliw, ikaw pa rin aking iibigin
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊