Nais kong sumulat sa isang talata
Ika'y dala at sambit ng aking dila
Bagamat ikaw ay 'di nakikita
Nais kong sanang ika'y maalala
Palagi sa aking paggising ikaw na'ng aking napakikinggan
Iba-iba man ang salitang sayo'y bumubuo
Hatid mo'y napakaraming kahulugan
Dala ng iba't ibang lenggwahe, tinig at tono
Napakadaling ika'y bitawan
Ngunit minsa'y ang gawin ka'y hindi ko kaya
Sapagkat minsan sa tapang ako'y nawawalan
Ngunit minsa'y nakakasakit din ng kalooban
Batid kong ang tulang ito'y iyong nababasa
Sapagkat ikaw ang laman ng bawat taludturan
Na nakapalaman sa bawat sukat mo at tugma
Ikaw ay ang mahalagang bagay sa bawat usapan
Sa huling sandali, kaibigan, paalam
Itong liham ko sana'y pakaiingatan
Sana ako'y huwag kalilimutan
Mahal kong talata, sa muli nating pagkikita
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊