"Kape"

10 1 0
                                    

May kapeng mapait
Mayro'n ding matamis
Kahit anong timpla o lasa
Ito'y laging ninanais

Kapares ng pandesal
Sa umaga'y almusal
Ang araw ay di kompleto
Kung ito'y wala sa hapag-kainan

Sa tag-ulan ito'y hinahanap-hanap
Pangtanggal lamig ang init na lasap
Kape matamis o mapait
Ito'y hahanap-hanapin at lalasapin

Mga Tulang Likha ni Miss MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon