----
Ito ang tulang para sa mga nagmahal, nasaktan - kayo na magdugtong. Hehe!
----Crush is paghanga
Yan ang depinisyon ng iba
Sa isang bagay na aking nadarama
Ngunit paano nga ba?Araw-araw ay palihim na sulyap
Sa kung saan ka madalas mapadpad
Lihim na pagtinging nakatago sa ulap
Hanggang panaginip na lang na ika'y makausapSa bawat mong galaw ako'y nakatunghay
Ngiti mo'y liwanag sa 'king buhay
Tanglaw ng saya't ligayang tunay
Sa aking buhay ay nagbibigay ng kulayDi mo man pansin aking pagtingin
Ako'y di magsasawa't nandirito pa rin
Tinig ko mang ito'y di mo dinggin
Basta't masambit nais kong sabihinNaisin ko mang ako'y iyong makita
At tumingin diretso sa aking mga mata
Malabo nang mangyari pagka't puso mo'y may iba na
Hawak ng babaeng iyong sinisintaNagkamali ba aking puso sayo
Nang aking madama ang paghangang ito?
Di mo man dinggin tinig kong ito
Nais ko pa ring malaman moSalamat sa lahat ng iyong ginawa
Salamat kahit di mo man sinadya
Ikaw na naging dahilan ng saya
Salamat dahil nakilala kita
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊