Nalimot na nga ba
Ang tulang aking ginawa
Gamit ang papel at pluma
Na para lang sa 'yo sinta
Mula sa lagpas isang daang salita
Hanggang sa ilang mga tugma
At maging sa tatlong bersa
Mensahe ko ba'y iyong nakuha
Ngunit sa tagal ng panahon
Nabatid ko nang yaon
Na aking tula'y iyo nang ibinaon
Sa likod ng bawat oras at maraming taon
Bagkus sa iyong paglisan
Kasama mo'y aking talasalitaan
At ang aking salitang nais mong malaman
Sa limot na tula, mahal paalam
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊