Tama nga ba aking hinala
Husto nga ba aking inakala
Pangarap ko nga ba'y ito na
Maging isang maningning na talaNakakatawang isipin
No'ng ako ay isa pa lamang paslit
Hindi ko kailanman akalain
Na ako'y mangangarap maging isang bituinSa aking paghakbang
Maraming bagay akong nalaman
Sa bawat hakbang katumbas ay sugat
Sugat na kalauna'y magiging pilatAng aking minimithi
Ang aking ninanais
Ang aking ibig makamit
Lahat iyon ay tila ba hanginImposibleng makita't mahawakan
Hirap makamit at matanaw
Isang tala na hanggang tingin na lamang
Kailanma'y di makakamtanDito na nga ba nagtatapos ang lahat
Sana aking mata ay mamulat
Sa katotohanang huwad
At sa kasinungalang nais makalimutan
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Likha ni Miss Makata
PoetryThere are songs meant to hear and poems meant to read HAPPY READING!!! 😊😊😊