"Pangarap ni Emsisi"

31 2 1
                                    

No’ng ako’y bata pa’y madalas sabihin
Aking mga pangarap at mga naisin
Mga bagay na gusto kong abutin
No’ng ako’y bata pa’t maraming mithiin

Akala ko dati’y madali ang buhay
No’ng ako ay musmos at wala pang malay
Madalas kong banggitin kina nanay at tatay
Ang aking mga pangarap sa buhay

Minsan nasabi kong nais kong maging guro
Upang sa mahihirap ako’y makapagturo
O kaya nama’y isang doktor na puro
Upang magamot may sakit at makatulong

Akin ring pinangarap na maging chef o tagapagluto
Upang mapakain at mabusog ang mga tao
O kaya’y maging isang arkitekto
Nang ako’y makagawa ng mga disensyo

Ninais ko ring maging dakilang pintor o tagaguhit
Upang obra ko’y makita’t sa museo’y maisabit
O ‘di naman kaya’y maging isang mang-aawit
Upang punuin ng melodiya ang daigdig

Ngunit nang ako’y magkaroon ng muwang
At matuntong ang husto kong gulang
Aking napagtanto ang kasinungalingan
Na ang buhay ay mahirap at di puro saya lang

Isip ko’y napuno ng kalituhan
Nais kong maging ay di ko na malaman
Matagal kong hinanap ang kasagutan
Sa bawat sulok at haligi ng aking isipan

At habang sinusulat itong tula
Doo’y napagtanto ang bagay na sutla
Aking pangarap pala’y ang makita
Ang mga susunod pa na kabanata

Kabanata ng bagong henerasyon
Sa mga maisisilang na mga bagong taon
Mabuhay ng malayo sa gulo at alon
At makita ang darating na bagong panahon

Kung ako’y mabibigyan ng isang pagkakataon
Upang masilip ang bukas at kahapon
Di ko na nanaisin at sasabay na lamang sa alon
Ng buhay na binihag ng matagal na panahon

Ito ang pangarap ni Emsisi
Ang mabuhay ng walang pagsisisi
At ang makamit o makuha ang susi
Sa kasawian o tagumpay na pinili

Mga Tulang Likha ni Miss MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon