AXFEL'S POV
Nasa The Club's Bar kami ngayong tatlo nina Nate at Gio na mga tunay ko talagang maaasahang kaibigan mula bata pako ay kasama ko na si nate pareho kasi kami ng pinasukang school samantalang si Gio naman elementary lang namin nakilala pero kahit ganon para na talaga kapatid ang turingan namin sa isat isa alam namin ang lahat tugkol sa isat isa.Si Nate pinkamatalino sya at mahilig sa music,si Gio magaling sa sports pero mahilig sa babae.At ako naman syempre pinaka pogi sikat kaming lahat sa South Ville bukod sa isa kami sa pinaka mayayaman basketball players din kami.Pagkatapos ng klase dumiretso agad kami dito.Ako ang nagyaya sa kanila ganoon kasi ako pag masyadong maraming iniisip at the same time badtrip dinadaan ko nalang sa alak.Sobrang nababadtrip talaga ako dahil sa sponge bob nayon nakakaasar pinahiya nya ang ego ko tapunan banaman ako ng pagkain sa mukha. tawagin pabang akong tsonggo' sa gwapo ng mukha kong to,nakakainis yari talaga yan sakin pag nakita ko.Nadagdagan pa ang pagkainis ko nang dumating si lolo kanina sa South Ville nabalitaan kasi nyang nagkarecord nanaman ako sa guidance nung isang araw dahil napaaway ako sa mga siga sa kabilang school mainit ata ang mata nila sa mga gwapo, Kaya sang katerbang sermon tuloy ang inabot ko .Si Lolo tatay ng mommy ko ang may pinakamalaking share of stocks sa South Ville Academy mabait sya sakin spoiled nga ako nung bata pako sa kanya eh pero ngayon halos lahat ng ginagawa ko may mali sa paningin nya.Samantalang si tita Amanda naman ang kasalukuyang dean.kapatid sya ng mommy ko.
"Nakakainis talaga yung Sponge Bob nayon" singhal ko habang nilagok ang isang baso ng tequila .
"Haha..grabe bro' napahiya katalaga don,mukhang hindi kapa nya kilala,Napahiya katalaga nya bro'" sabi ni Gio habang tawa ng tawa at nakahawak pa sa tya nya.
"Nakakasar hindi ko manlang nagantihan yung Sponge Bob nayon at naipamukha sa kanya kung sino ang isang Axfel Dayle Fabiarre,Epal kasi yung uugod ugod nayon."
"Pero mukhang kailangan na nyang maghanda para bukas,hindi mo man sya nagantihan sigurado akong ang mga Ultimate Fangirls mo na ang magpaparusa sa kanya,Tss.kawawa naman ." maypuntong sabi ni Nate.Ang mga Ultimate fangirls ko na ni ayaw manlang madapuan ako miski langaw ang mga babaeng patay na patay sakin.Iba talaga ang karisma mo Axfel.Pero halata sa ekspresyon ni Nate na naawa sya sa Sponge Bob nayon may pagka saanghel talaga tong isang to.
"Nasisiguro kong hindi tatagal ng isang linggo yung Sponge bob nayon'"
"Malamang bro' eh yun ngang nakatapon ng juice sa damit mo nung isang linggo balita ko umalis na ng South Ville dahil sa Pambubully ng mga Fans mo." Iiling iling sa sabi ni Gio
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (On Going)
Novela JuvenilMatagal nang hinihintay ni Axfel ang isang taong minsan ng naging bahagi ng kanyang puso. Isang taong kahit hindi sigurado ay nagbabakasakali paring balang araw ay makikita at bumuo sa kanyang buhay ,buhay na matagal nang may espasyong nakalaan para...