Chapter 15

21 0 0
                                    

NATE'S POV

Naglalakad nako ngayon papunta sa locker room. Nauna nako kay Gio ang sabi ko intayin nya na si Axfel para magkaayos na sila. Dahil dun sa pagkakatisod ni Axfel sa court. Ayaw panaman ng isang yon na magagasgasan ang kahit anong parte nang katawan nya.Ayokong madamay sa init ng ulo ng isang yon nagigeevolve yun eh pagnagagalit malapit nang mag simula ang first class namin kukunin ko lang yung book namin para sa first subject.

Napangiti ako..

Sa halip na mag dirediretso ako sa paglalakad papunta sa locker tumigil muna ako sa may gilid ng pader.Hindi ko alam pero sa twing nakikita ko sya ng ganyan may pupupuk pok sa may dibdib ko.Hindi ko alam kung bat ako nagtatago .Ang alam kolang gusto ko syang pagmasdan ng ganyan. Yan ganyan sya na hindi nakikita nina Axfel at Gio.Si Cassandra nasa may locker room sya naka pang P.E na uniform malamang P.E nila.Nakapuyod nanaman sya at tangal ang salamin nya na nasa loob nang bikas ng locker bale nag pupuyod sya ngayon.Yan yun yan yung sya na hindi nila nakikita.

At naka ngiti ako...

*Booogsh*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng malakas na ingay pati yung magilan ngilang estudyante na nandoon naagaw din ang atensyon.Nagkalat ang mga basura .Sino naman kayang may gawa noon?

Pagbalik ko ng tingin sa locker walana si Cassandra..

*Ngiti* Tapos naglakad nako at kinuha ang mga gamit ko sa locker bago pako malate.

CASSANDRA'S POV

*Booogsh*

Naagaw ng malakas na tunog nayon ang atensyon ng mga ilang estudyante na nasa may parte ng locker room

Nagulat ako habang nasa locker ako may sumipa ata nung mga basurahan kaya nagkalat na sa sahig yung mga basura .Hindi ko naman nakita yung sumipa dahil hindi ko naman agad suot yung salamin ko.Kaya naman dali dali nakong pumunta sa Groud .P.E kami ngayon eh.

Habang naglalakad ako ginagala ko yung mata ko sa buong paligid.Yung magaling kasing unggoy nayon hindi manlang ako ginising kaninang umaga matapos naming makulong sa locker room. Yung gwardya pa ang gimising sakin.

At si Lola?ayun muntik ng mahimatay.Jusko Lord kasalanan to ng unggoy nayo eh...

Flashback

"Cassandra!!!!Jusko po bata ka!!!!Bat hindi kanaman nagpaalam ???Gusto moba kong mamatay?bata ka!"

Ayan ayan na ngaba ang sinasabi ko eh.Eh nun ngang bata pako nakatulog lang ako nung hapon sa bahay ng kaklase ko .Ayun pagdating ko sa bahay namin andaming baranggay tanod. Dahil etong si Lola ay may balak nang ipahanap ako sa buong baranggay. May hawak ng picture ko at iyak na iyak na .Umuwi lang ako ng alas sais eh..Hindi konga alam kung maiiyak ako dahil kay lola o dahil sa picture ko na ipinagalandakan sa buong baranggay tanod.Eh yun yung mga panahong nakapanty lang ako at naliligo sa batya.Maiba tayo, kaya eto na nga ba ang inaasahan ko eh.

"Ikaw bata ka!Hindi kamanlang nagpapa alam!aatakihin ako sayo sa puso eh"

"La' Sorry na po,Kasi-- ano po eh--"pano koba sasabihin na nakulong ako sa locker room aisshhh"Ano po--"

Say You Love Me (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon